Mga Karapatan sa Trabaho ng Mga Legal na Permanenteng Residente sa Ilalim ng Batas sa Imigrasyon at Nasyonalidad
Kung isa kang legal na permanenteng residente, mayroon kang mga partikular na proteksyon mula sa diskriminasyon sa trabaho sa ilalim ng Batas sa Imigrasyon at Nasyonalidad Ipinapaliwanag ng fact sheet na ito ang mga proteksyon mo sa ilalim ng batas na ito mula sa diskriminasyon sa trabaho batay sa citizenship, katayuan sa imigrasyon, at bansang pinagmulan sa:
- pagkuha sa trabaho,
- pagtanggal sa trabaho,
- pag-recruit, at
- kapag pinapatunayan ng iyong pahintulot na magtrabaho sa United States sa isang employer.
Mga Proteksyon sa Pagkuha sa trabaho, Pagtanggal sa trabaho, at Pag-recruit
Ang employer na tumatangging kunin ka sa trabaho, o tanggalin ka, dahil isa kang legal na permanenteng residente o dahil sa iyong bansang pinagmulan ay maaaring lumalabag sa batas. Sa pangkalahatan, hindi pwedeng ibukod ng mga employer ang mga legal na permanenteng residente, at limitahan ang mga trabaho para sa mga mamamayan ng U.S. lamang, o tumanggi na kunin ang isang tao dahil ipinanganak sila sa ibang bansa.
Mga Proteksyon Kapag Bine-verify ng Employer ang Iyong Pahintulot na Magtrabaho
Kapag nagsimula ka ng bagong trabaho, dapat gamitin ng mga employer ang Form I-9 para i-verify ang iyong pahintulot na magtrabaho, na kilala rin bilang iyong awtorisasyon na magtrabaho. Gumagamit din ang ilang employer ng E-Verify . Kung iba ang pakikitungo sa iyo ng isang employer sa panahon ng pag-verify ng iyong pahintulot na magtrabaho batay sa iyong citizenship, katayuan sa imigrasyon, o bansang pinagmulan, maaaring lumalabag sa batas ang employer. Maaaring lumalabag sa batas ang employer kung ito ay:
- Humihiling sa iyo na patunayan ang iyong legal na katayuang permanenteng residente o USCIS/A# para sa Form I-9.
- Humihiling sa iyo na magpakita ng partikular na dokumento para sa Form I‑9, tulad ng iyong Card ng Permanenteng Residente o “green card.”
- Tumangging tanggapin ang mga valid na dokumentong napagpasyahan mong ipakita para sa Form I-9.
- Humihiling sa iyo na magpakita ng higit pang dokumentasyon kaysa sa kinakailangan para sa Form I-9.
- Humihiling sa iyo na magpakita ng dokumentasyon kung saan hindi kinakailangan. Kapag nagpasya kang magpakita ng valid na Card ng Permanenteng Residente sa panahon na magsimula ka sa iyong trabaho, hindi pwedeng humingi sa iyo ang iyong employer ng bagong dokumento kapag nag-expire ang Card ng Permanenteng Residente.
- Humihingi sa iyo ng higit pang dokumentasyon kapag gumagamit ng E‑verify. Dapat ilagay ng mga employer ang impormasyon mula sa iyong Form I-9 kapag gumagamit ng E-Verify.
Kapag na-verify ng employer ang iyong pahintulot na magtrabaho, makakapili ka kung aling katanggap-tanggap na dokumentasyon ang ipapakita. Hindi dapat ang employer mo ang magpasya para sa iyo sa bagay na ito.
Ilang halimbawa ng mga dokumento na maaaring magpasya ang isang legal na permanenteng residente na ipakita ay ang Form I-9
- State ID + hindi nililimitahang Social Security card
- Card ng Permanenteng Residente – kasama ang mga card na ini-extend na lampas sa petsa ng pag-expire sa card, na may I-797 extension letter
- Dayuhang pasaporte na may I-551 na stamp
- Dayuhang pasaporte na may Immigrant Visa na Nababasa ng Machine na may I-551 notation
- Form I-94 na may larawan at I-551 na stamp
Higit pang impormasyon sa Form I-9 para sa mga legal na permanenteng residente
Mga Proteksyon Laban sa Paghihiganti
Protektado ka rin laban sa paghihiganti. Kung makikipag-usap ka sa Immigrant and Employee Rights Section (IER) ng Dibisyon ng Mga Karapatang Sibil tungkol sa isang problema sa trabaho, maghain ng reklamo sa IER, makilahok sa imbestigasyon, o magsalita para protektahan ang iyong mga karapatan o mga karapatan ng ibang tao, hindi iyon magagamit ng employer para:
- Tanggalin ka sa trabaho
- Pagbantaan ka
- Bawasan ang iyong mga oras o bayad
- Gumawa ng iba pang nakakapinsalang aksyon
Tawagan ang Immigrant and Employee Rights Section ng Dibisyon ng Mga Karapatang Sibil kung:
- Nakakita ka ng job posting na naglilimita sa pag-hire ng mga mamamayan ng U.S. at kung sa tingin mo ay walang legal na dahilan para dito.
- Hindi ka kinuha sa trabaho ng isang employer, o tinanggal ka sa trabaho, dahil ikaw ay isang legal na permanenteng residente, o dahil sa iyong bansang pinagmulan.
- Hindi ka pinapahintulutan ng employer mo na ipakita ang katanggap-tanggap na dokumentasyon na iyong pinili sa panahon ng pagpapatunay ng iyong pahintulot na magtrabaho.
- Humihingi ang employer mo ng dokumentasyon kung saan hindi kinakailangan. Halimbawa, kung ang kasalukuyan mong employer ay humingi ng bagong Card ng Permanenteng Residente kapag nag-expire na ang card.
- Gumanti sa iyo ang iyong employer dahil nagsasalita ka para sa iyong karapatang magtrabaho bilang protektado ng batas na ito.
Maaari ring ipagbawal ng ibang batas ng pederal o estado ang diskriminasyon batay sa citizenship, katayuan sa imigrasyon, o bansang pinagmulan. Halimbawa, ang Equal Employment Opportunity Commission ay nagpapatupad ng batas sa pagtatrabaho na nagpoprotekta sa mga manggagawa mula sa diskriminasyon sa bansang pinagmulan.
Dibisyon ng Mga Karapatang Sibil, Immigrant and Employee Rights Section (IER)
- Tawagan ang Worker Hotline sa 1-800-255-7688
- Para sa mga taong may kapansanan sa pandinig 1-800-237-2515
- Maaaring anonymous ang mga tawag at available ang mga libreng serbisyo sa wika.
- Ang batas na ipinapatupad ng IER ay matatagpuan sa 8 U.S.C. § 1324b.
- Para matuto pa, bisitahin ang https://www.justice.gov/ier