Skip to main content

Hustisyang Pangkapaligiran at Pagpapatupad

Ang Opisina ng United States Attorney (piskal) para sa Silangang Distrito ng New York ay puspusang nagpapatupad sa mga batas na pangkapaligiran ng bansa upang pagtutuunan ng pansin ang mga epektong pangkapaligiran, pangkalusugan, at pangklima sa mga indibidwal at komunidad sa loob ng distrito.  Sa pamamagitan ng mga tinatrabahong mga kaso nito, nagbibigay pwersa at epekto ang Opisina sa pambansang patakaran, na nakapaloob sa Pampangasiwaang Kautosan 14008, na kumikilala na “nakaharap tayo ng pangklimang krisis na nagbabanta sa ating mga tao at komunidad, pampublikong kalusugan at ekonomiya, at, ang kapansin-pansin, ang ating kakayahang mabuhay sa planetang Earth.” Alinsunod sa patakarang ito, hinahangad ng Opisina na "pananagutin ang mga responsable sa polusyon sa kanilang mga aksyon," at "labanan ang pangklimang krisis sa pamamagitan ng matapang, progresibong aksyon na pinagsasama ang buong kapasidad ng Pederal na Pamahalaan."

Dahil ang mga pangkapaligiran at pagkalusugan na panganib ay kadalasang may hindi katimbang na mataas at masamang epekto sa mga mahihirap na komunidad, nagtatag ang Opisina ng isang Pangkat ng Hustisyang Pangkapaligiran sa loob ng Dibisyong Pangsibil. Nakatutok ang Pangkat sa pagprotekta sa mga karapatan ng mga magkakaibang residente na nabibigatan, at kasalukuyang gumagawa ng mga hakbangin para bawasan ang pagkakalantad sa tingga ng mga bata, tiyakin na maaabot ng mga residente ang malinis na hangin, at protektahan ang tubig sa lupa, tubig sa ibabaw, at mga basang lupa sa buong Lungsod ng New York at Long Island.

Paano Makikipag-ugnayan sa Opisina Tungkol sa Usaping Hustisyang Pangkapaligiran o Pagpapatupad 

Tinatanggap ng Opisina ang impormasyon mula sa publiko tungkol sa mga possibleng epektong pangkapaligiran, pangkalusugan, at pangklima sa mga indibidwal at komunidad sa distrito.  Maaari kang magsumite ng impormasyon o mga alalahanin tungkol sa hustisyang pangkapaligiran sa pamamagitan ng email, koreo, o telepono.

Email:

Maaari mong ipadala ang iyong impormasyon o alalahanin sa pamamagitan ng email sa: usanye-ej@usdoj.gov

Koreo:

Maaari mong ipadala ang iyong impormasyon o alalahanin sa pamamagitan ng koreo sa:

U.S. Attorney’s Office, Eastern District of New York

271-A Cadman Plaza East

Brooklyn, New York 11201

Attn: Chief, Environmental Litigation, Civil Division

Telepono:

Para magsumite ng reklamo sa pamamagitan ng telepono, tumawag sa 718-254-7000.

Susunod ang Suffolk County sa Safe Drinking Water Act (batas ng ligtas na inuming tubig) at Iiwasan ang Kontaminasyon ng Panustos ng Inuming Tubig sa Bansa

"Ang Paghatol ng Pahintulot ngayon ay magpoprotekta sa inuming tubig ng mga residente ng Suffolk County at Long Island mula sa nakakapinsalang polusyon ng sustansya na nagdudulot ng panganib sa kapwa pampublikong kalusugan at ng natural na kapaligiran, " sabi ni United States Attorney Peace.  "Puspusang ipapatupad ng opisinang ito ang mga paglabag sa Safe Drinking Water Act upang protektahan ang publiko mula sa kontaminasyon ng panustos ng tubig nito at itaguyod ang hustisyang pangkapaligiran."

Hunyo 14, 2023

Sumang-ayon ang Lungsod ng New York na Linisin ang mga Radyoaktib na Materyales sa mga Ari-arian na Pag-aari ng Lungsod sa Queens, New York

"Pinoprotektahan ng pagkilos na ito ang mga residente ng Lungsod ng New York at mga komunidad mula sa pagkakalantad sa mga mapanganib na sangkap kabilang ang radyoaktib na basura sa Wolff-Alport Site," saad ni United States Attorney Peace.  "Ipinapakita ng kasunduan na ito na ang Opisinang ito at ang aming Pangkat ng Hustisyang Pangkapaligiran ay nakatuon sa pagtugon sa mga alalahaning pangkapaligiran, kabilang ang pag-alis ng mga mapanganib na sangkap mula sa mga komunidad na may hindi katumbas na pasanin ng mga panganib ng pangkapaligirang kalusugan."

Hunyo 5, 2023

Pinahihintulutan ng Utos ng Pahintulot ng Korte ang Pagbebenta at Muling Pagpapaunlad ng Port Jefferson Superfund Site

"Ang kasunduan na ito ay magbibigay-daan para magamit ang isang dating kontaminadong ari-arian na magbibigay pakinabang sa Port Jefferson at sa mas malaking komunidad ng Suffolk County, " sabi ni United States Attorney Breon Peace.  “Sa proseso, mababawi ng EPA ang kahit ilan sa napakalaking gastos na nagamit sa pagsasaayos ng LAI Superfund Site at pagprotekta sa ating kapaligiran mula sa mga mapanganib na sangkap.”

Abril 5, 2023

Sumang-ayon ang Northrop Grumman na Bayaran ang United States ng $35 Milyon para sa Halaga ng Gastos sa Paglilinis ng Bethpage Site

Inihayag ngayon ni Breon Peace, United States Attorney para sa Silangang Distrito ng New York, at Karnig Ohannessian, Deputy Assistant Secretary (pangalawang katulong na kalihim) ng Navy (hukbong-dagat) (Environment & Mission Readiness (kapaligiran & kahandaan sa misyon)), na sumang-ayon ang Northrop Grumman na bayaran ang United States ng $35 milyon para sa pangkapaligiran na paglilinis na natamo bilang resulta ng mga operasyon sa dating Naval Weapon Industrial Reserve Plant (NWIRP) (planta ng reserbang pang-industriya ng sandatang pang hukbong-dagat) sa Bethpage, New York, at mga kalapit na pasilidad (Sites) (mga lugar). Niresolba ng pagbabayad ang isang kasong pangsibil na isinampa ng United States laban sa Northrop Grumman sa ilalim ng pederal na Comprehensive Environmental Response (komprehensibong tugon na pangkapaligiran)

Abril 12, 2022

Niresolba ng Genesis Petroleum ang mga Pederal na Paghahabol Pangkapaligiran na Kinasasangkutan ng 13 na mga Istasyon ng Gas na Matatagpuan sa Long Island at Westchester, New York at New Jersey

Inihayag ni Breon Peace, United States Attorney para sa Silangang Distrito ng New York at Lisa Garcia, Regional Administrator (pangrehiyon na tagapangasiwa) ng U.S. Environmental Protection Agency (EPA) (ahensya ng pangangalagang pangkapaligiran) Rehiyon 2, na ang United States ay pumasok sa isang Paghatol ng Pahintulot na nag-aayos sa isang kasong pangsibil laban sa Genesis Petroleum, Inc. at 20 na nauugnay na mga kumpanya (Mga Nasasakdal), para sa paglabag ng Resource Conservation and Recovery Act (RCRA) (batas ng pagtitipid at pagbabawi ng likas yaman) na may kaugnayan sa kanilang pagmamay-ari o operasyon ng mga underground storage tanks (USTs) (mga tangke ng imbakan sa ilalim ng lupa) sa 13 na mga istasyon ng gas sa New York at New Jersey. Ang Paghatol ng Pahintulot ay nag-aatas sa Mga Nasasakdal na sapat na matutuklasan ang mga pagtagas ng produktong petrolyo mula sa mga USTs, at magpatupad ng iba pang mga hakbang sa kaligtasan, sa kanilang mga pasilidad sa New York at New Jersey. Inaatasan din ng kasunduan ang Mga Nasasakdal na magbayad ng pangsibil na parusa sa halagang $250,000.

Marso 24, 2022

Inahayag ng United States ang Pag-aayos ng Pangsibil na Aksyon na Tumutugon sa mga Paglabag ng Clean Air Act (batas ng malinis na hangin) sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng New York

Inihayag ngayon ni Jacquelyn M. Kasulis, Acting (pansamantala) United States Attorney para sa Silangang Distrito ng New York, Todd Kim, Assistant (katulong) Attorney General (pangunahing abogado) ng Environment and Natural Resources Division (sangay para sa kapaligiran at mga likas na yaman) ng Justice Department (kagawaran ng hustisya), at Walter Mugdan, Acting Regional Administrator ng United States Environmental Protection Agency, Rehiyon 2 (EPA), na ang United States ay nagsampa ng kaso sa ilalim ng Clean Air Act (CAA) laban sa Lungsod ng New York at sa New York City Department of Education (NYCDOE) (kagawaran ng edukasyon) upang tugunan ang kanilang matagal nang kabiguan na masubaybayan ng maayos at kontrolin ang mapaminsalang emisyon mula sa mga boiler na nasisindihan ng langis ng NYCDOE

Septembre 27, 2021

Sinampahan ng Kaso ang Isang Nangongontrata ng Long Island sa Pagsasagawa ng Pagtanggal ng Pintura Gamit ang may Baseng Tingga Bilang Paglabag sa Toxic Substances Control Act (batas ng pagkontrol ng mga nakakalason na sangkap)

Isang sakdal ang nabuksan ngayon sa federal na hukuman sa Central Islip na sinasampahan ng kaso si Rickey Lynch ng paglabag sa Toxic Substances Control Act of 1976 (“TSCA”), paggawa ng mga maling pahayag at malalang pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Si Lynch ang unang taong sinampahan ng paglabag sa batas ng TSCA mula nang amyendahan ang batas noong 2016 para isama ang mga mas pinabuti na parusa para sa ilang partikular na pag-uugali na nagdudulot ng panganib ng kamatayan o malubhang pinsala sa katawan.

Agosto 6, 2021

Inihayag ng Acting United States Attorney Jacquelyn M. Kasulis ang Pagbuo ng Pangkat ng Hustisyang Pangkapaligiran sa Dibisyong Pangsibil ng Opisina

Inihayag ngayon ni Jacquelyn M. Kasulis, Acting United States Attorney para sa Silangang Distrito ng New York, ang pagbuo ng Pangkat ng Hustisyang Pangkapaligiran. Ang Pangkat ng Hustisyang Pangkapaligiran, na binubuo ng pitong Assistant na mga U.S. Attorney ng Dibisyong Pangsibil, kabilang ang Hepe ng Dibisyong Pangsibil ng Pangkapaligirang Litigasyon, ay nagpapatibay sa pagtutok ng Opisina sa pagprotekta sa mga karapatan ng mga residente ng Silangang Distrito ng New York na hindi katimbang ang pasan ng mga pangkapaligiran at pangkalusugan na panganib.

Hunyo 24, 2021 [sic]

Inihayag ng United States ang Pangwakas na Resolusyon ng Mga Paglabag sa Safe Drinking Water Act sa mga parke ng New York State

Inihayag ngayon ni Mark J. Lesko, Acting United States Attorney para sa Silangang Distrito ng New York, at Walter Mugdan, Acting Regional Administrator ng United States Environmental Protection Agency, Rehiyon 2, ang pangwakas na resolusyon sa mga paghahabol ng United States na ang State ng New York, ang New York State Office of Parks, Recreation and Historic Preservation (opisina ng mga parke, libangan at makasaysayang preserbasyon), at ang Komisyon ng Palisades Interstate Park ay lumabag sa Safe Drinking Water Act (ang “SDWA”) na may kinalaman sa 54 na Malalaking Kapasidad na mga Cesspools (imbakan ng maruming tubig na basura) na naglalabas ng hindi nalilinis na imbakan ng mga dumi sa lupa sa mga banyo sa loob ng mga parke

Hunyo 4, 2021

Mga Kamakailang Kaso

Mga Karagdagang Balita

 

Mga Batas na Aming Ipinapatupad:

Ang Opisina, sa pakikipag-ugnayan sa Environment and Natural Resources Division ng Department of Justice at mga kasosyong ahensya, ay nagpapatupad ng maraming pederal na batas na sumasaklaw sa iba't-ibang mga aktibidad na nakakaapekto sa ating  kapaligiran. Kasama sa mga batas na ito:

Mga Iba Pang Gamit Yaman

Bilang karagdagan sa inisyatiba ng hustisyang pangkapaligiran ng Opisina ng U.S. Attorney, ang mga sumusunod na mga website para sa mga nauugnay na ahensyang pederal ay nagbibigay ng iba pang kapaki-pakinabang na online na mapagkukunan at impormasyon: