Ipinagbabawal ng batas ng imigrasyon ng U.S. ang mga partikular na uri ng diskriminasyon at paghihiganti sa trabaho, kabilang ang: (1) diskriminasyon sa katayuan ng pagkamamamayan sa pagtanggap, pagpapatalsik, o sa pagrekluta o pagreto nang may bayad sa mga protektadong indibidwal; (2) diskriminasyon sa pambansang lahi (kabilang ang mga empleyado na may apat hanggang labing-apat na empleyado) sa pagtanggap, pagpapatalsik, o sa pagrekluta o pagreto nang may bayad sa lahat ng mga indibidwal na ligal na binigyang pahintulot na magtrabaho sa Estados Unidos. Ipinagbabawal din ng batas ang (3) ang mga hindi pantay na pagsasagawa ng pagdodokumentaryo: na nangyayari kapag ang isang indibidwal, negosyo, o organisasyon ay tumangging tumanggap ng wastong dokumento, humihiling ng partikular na dokumentasyon o humingi ng higit pa o ibang mga dokumento kaysa sa kinakailangan para makumpleto ang Form I-9 dahil sa pagkamamamayan o pambansang lahi ng indibidwal. Ipinagbabawal din ng batas ang (4) paghihiganti laban sa mga indibidwal na nagpapahayag ng kanilang karapatan na protektado sa ilalim ng kontra-diskriminasyong probisyon sa batas ng imigrasyon, o dahil sa paglahok o pagtulong sa isang imbestigasyong isinasagawa ng opisinang ito.
Sino ang maaaring maghain ng akusasyon: Sinumang nagsasabing siya ay biktima ng diskriminasyon o paghihiganti o isang awtorisadong indibidwal na ngalan ng biktima. Ang form ng akusasyong ito ay kailangang ipadala sa address sa ibaba o i-fax sa (202) 616-5509 o i-email sa IER@usdoj.gov sa loob ng 180 araw ng sinasabing petsa ng diskriminasyon. Mangyaring kumpletuhin ang form na ito sa pamamagitan ng pag-type o malinaw na paglimbag ng hiniling na impormasyon, sa anumang wika. Kung hindi naaangkop ang tanong sa iyo, iwanan itong blangko.
Maaaring idirekta ang mga tanong tungkol sa form ng akusasyong ito sa Seksyon sa mga Karapatan ng Imigrante at Empleyado (Immigrant and Employee Rights Section, IER) sa pamamagitan ng telepono sa 1-800-255-7688 (walang bayad) o TTY 1-800-237-2515 (walang bayad).
OMB Number: 1190-0018
Petsa Kung Kailan Binago: Oktubre, 2024
![]() |
![]() |
Vanita Gupta |
Principal Deputy Assistant Attorney General |
![]() |
Civil Rights Division |
(202) 514-4609 Telephone Device for the Deaf (TTY) (202) 514-0716 |