Kailangang kumpletohin mo ang charge for na ito sa pamamagitan ng pagpasok ng mga impormasyong hiniling. Kung mayroong isang katanungan na hindi dapat, kailangang iwan mo itong blangko. Ngunit, ang mga patlang na may markang (*) ay kinakailangan. Sa ibabang bahagi ng pormas, kailangan mong i-click ang "Susunod" na button. Pagkatapos mong mai-click ang "Susunod", kailangan mong suriin ito upang makita ang impormasyong naipasok mo, kailangan mong i-click ang "Magsagawa ng Isang Pagwawasto," gawin ang mga kinakailangang pagwawasto, at pagkatapos ay i-click ulit ang "Susunod". Kung ang impormasyon ang wasto, kailangan mong i-click ang "Ito ay wasto, isumite".
Kung nais mong isumite ang electronic charge form sa isang wika maliban sa Tagalog, maari mong pindutin ang isa sa mga wikang nakalista sa itaas. Kung ang IER ay walang charge form sa iyong wika, maaari kang magpadala sa amin ng impormasyon tungkol sa iyong sarili at kung ano ang nangyari sa alinmang mga wikang gusto mo. Ang IER ang magpapasalin ng impormasyon na iyong ipinadala sa amin sa Ingles. Ang IER ay maaring tumawag sa iyo sa iyong gustong wika kung ang IER ay mayroong katanungan para sa iyo. Sa ibaba ay ang iyong mga panuto kung paano magpadala sa IER ng impormasyon sa pamamagitan ng koreyo, fax, o email.
Pagpa-file ng mga Pangsuportang Dokumento
Hindi ka maaaring maglakip ng mga dokumento na diretso sa pormas na ito. Kung nais mong isumite ang iba pang mga dokumento, maari mong gawin ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod na mga panuto. Mangyari ay ipadala lamang ang mga kopya ng dokumento, hindi ang mga orihinal. Kapag nagpapadala ng mga kalakip na dokumentong may kaugnayan sa pormas na ito, mangyari ay ilakip ang reference number na maibibigay kapag naisumite mo na ang pormas.
Sa pamamagitan ng Emai:![]() |
![]() |
Vanita Gupta |
Principal Deputy Assistant Attorney General |
![]() |
Civil Rights Division |
(202) 514-4609 Telephone Device for the Deaf (TTY) (202) 514-0716 |