Mga Proteksyon sa Pagboto para sa Mga Mamamayang Hindi Marunong Magbasa o Magsalita ng Ingles
Na-publish noong Setyembre 24, 2024
Ang bawat kwalipikado na mamamayang Amerikano ay may karapatang bumoto. Pinoprotektahan ng pederal na batas ang karapatan na iyon kahit na hindi ka marunong magbasa, magsalita, magsulat, o hindi gaanong makaunawa ng Ingles. Ang mga proteksyon na ito ay nalalapat kapag nagrehistro ka upang bumoto o magbigay ng iyong boto.[1]
Maaari kang magdala ng isang taong tutulong sa iyo na bumoto.
- Kung nahihirapan kang magbasa o magsulat, dapat kang pahintulutan ng mga opisyal ng halalan na magpatulong sa pagboto mula sa isang taong pipiliin mo (ngunit hindi ang iyong employer o kinatawan ng unyon). Maaaring mayroon ka ng tulong na ito sa bawat hakbang sa pagboto—pagrerehistro para bumoto, lumiban sa pagboto, o personal na pagboto. Pinoprotektahan ka ng panuntunang ito anuman ang iyong wika. (Seksyon 208, Batas sa mga Karapatang Bumoto)
Ang mga opisyal ng halalan ay hindi maaaring magdiskrimina laban sa iyo.
- Sa lahat ng mga lugar at halalan, hindi ka maaaring idiskrimina ng mga opisyal dahil kabilang ka sa isang "minoryang grupo na may ibang wika." Sa ilalim ng batas, kabilang ka sa isa sa mga grupong ito kung ikaw ay American Indian, Asian American, Alaskan Native, o isang taong may lahing Espanyol. Hindi rin pinapayagan ng batas ang diskriminasyon batay sa lahi o kulay. (Seksyon 2, Batas sa mga Karapatang Bumoto)
Maaari kang makatanggap ng tulong sa dalawang wika at mga materyales sa ilang mga lugar.
- Ang Census Bureau ay naglista ng mga lugar na dapat magbigay ng tulong sa wika sa mga American Indian, Asian American, Alaskan Natives, at Hispanics na hindi marunong magsalita ng Ingles.
- Para sa lahat ng halalan sa mga lugar sa listahang ito, dapat isalin ng mga opisyal ng halalan ang mga nakasulat na materyales sa mga wikang tinutukoy ng listahan. Dapat mayroon din silang mga manggagawa sa lugar ng botohan na makakasagot sa iyong mga tanong sa pagboto sa mga wikang iyon. (Seksyon 203, Batas sa mga Karapatang Bumoto)
- Ang mga makina sa pagboto sa mga lugar na ito ay kailangang maglaan ng mga balota at mga tagubilin sa naaangkop na wika. (Seksyon 301, Batas para Tulungan ang America na Bumoto)
- Pinoprotektahan din ng pederal na batas ang mga botante na nag-aral sa pampublikong paaralan sa Puerto Rico at hindi gaanong nagsasalita ng Ingles. (Seksyon 4 (e), ng Batas sa mga Karapatang Bumoto)
May mga Tanong Ka Ba o Kailangan Mo ng Tulong?
Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga karapatang bumoto para sa mga botante na hindi gaanong nakakapagsalita ng Ingles ay makikita sawww.justice.gov/crt/about-language-minority-voting-rights at sa ating Gabay sa Mga Proteksyon sa Pagboto para sa mga Minoryang Mamamayan na May Ibang Wika, available sa maraming wika, kasama na ang sumusunod—
Ingles 简体字 (Simplified Chinese) 繁體中文 (Traditional Chinese) 한국어 (Korean) Español (Spanish) Tagalog Tiếng Việt (Vietnamese) Bengali - বাঙ্গালি Gujarati - ગુજરાતી Hindi - हिन्दी Hmong - Hmoob Khmer - ខ្មែរ Punjabi - ਪੰਜਾਬੀ Yup’ik - Yup’ik
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga ito at iba pang mga proteksyon ng botante, mangyaring bisitahin angjustice.gov/voting/voting-rights.
Paano mag-report ng paglabag sa iyong mga karapatang bumoto.
- Kung naniniwala ka na ang iyong mga karapatang bumoto ay nilabag, makipag-ugnayan sa Kagawaran ng Hustisya, Seksyon ng Pagboto sa Dibisyon ng mga Karapatang Sibil sa pamamagitan ng pagtawag sa 1 (800) 253-3931 o sa pamamagitan ng pagkumpleto ng form sa www.civilrights.justice.gov.
[1] Ang gabay na ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga karapatan ng mga minoryang grupo na may ibang wika. Ang gabay ay hindi nagpapataw ng mga legal na obligasyon at hindi nilayon na maging komprehensibo.