Hustisyang Pangkapaligiran
Hustisyang Pangkapaligiran & Pampublikong Kalusugan
Ang pagtiyak sa ligtas na pamumuhay at mga kondisyon sa pagtatrabaho para sa ating buong komunidad ay isang priyoridad sa Gitnang Distrito ng Louisiana. Ang pag-aabiso sa Opisina ng U.S. Attorney (piskal) para sa Gitnang Distrito ng Louisiana tungkol sa mga alalahanin sa hustisyang pangkapaligiran ay tumutulong sa amin na protektahan ang komunidad mula sa mga mapaminsalang paglabag sa pederal na batas.
Karanasang Impormasyon:
Ang U.S. Department of Justice (kagawaran ng hustisya) ay nagpapatupad ng mga pangsibil at pangkriminal na batas pangkapaligiran, kabilang ang Clean Air Act (batas ng malinis na hangin), ang Clean Water Act (batas ng malinis na tubig), at mga batas ng mapanganib na basura. Pinoprotektahan din namin ang mga likas na yaman at pinangangasiwaan ang mga kaso na may kaugnayan sa mga pangtribong karapatan at mapagkukunan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa aming mga kasosyo sa U.S. Department of Justice, ang Opisina ng U.S. Attorney para sa Gitnang Distrito ng Louisiana ay naghahangad na makuha ang hustisyang pangkapaligiran para sa lahat ng mga komunidad upang matiyak na matatamasa ng bawat isa ang parehong antas ng proteksyon mula sa mga pangkapaligiran at pangkalusugang panganib at pantay na maabot ang isang malusog na kapaligiran.
Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan para sa Opisina ng U.S. Attorney:
Hinihikayat ni U.S. Attorney Ron Gathe ang mga residente na makipag-ugnayan sa Opisina ng U.S. Attorney sa pamamagitan ng email sa USALAM.Environment@usdoj.gov at makipag-ugnayan sa mga hotline o website ng lokal, state, o pederal na ahensya upang mag-ulat ng mga alalahaning pangkapaligiran, pangkalusugan, at pangkaligtasan.
Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan para sa mga Kasosyo ng Pederal na Ahensya:
Mag-ulat ng mga paglabag sa Environmental Protection Agency {EPA) (ahensya ng pangangalagang pangkapaligiran) kung ito ay nakakaapekto sa:
- Kalidad ng Hangin
- Pagbabago ng Klima
- Mga Kemikal at Lason
- Kalusugan
- Lupa, Basura, at Paglilinis
- Tubig
Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan ng EPA: https://echo.epa.gov/report-environmental-violations
Mag-ulat ng mga paglabag tungkol sa mga kondisyon sa lugar ng trabaho tulad ng mga kemikal o nakakalasong usok sa
Occupational Safety and Health Administration (OSHA) (pangangasiwa sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho) sa: 1-800-321-6742.
Mag-ulat ng mga paglabag tungkol sa mga pestisidyo na pumipinsala sa Wildlife (ligaw na kahayupan) sa U.S. Fish and Wildlife Service (serbisyo ng kaisdaan at wildlife) sa: 1-800-344-9453.
Mag-ulat ng mga paglabag tungkol sa pagkasira ng mga Wetlands (basang lupa) sa iyong lokal na sangay na distrito ng Opisina ng U.S. Army Corps of Engineers (pangkat ng mga inhinyero ng army) sa: 1-800-832-7828.
Mag-ulat ng mga paglabag tungol sa mga gamot, mga pampaganda, mga produktong biyolohikal, at ibang mga produkto para sa pankonsumo ng tao sa U.S. Food and Drug Administration (FDA) (pangangasiwa ng pagkain at gamot) sa: 1-888-463-6332.
Mag-ulat ng Tumapon na Langis o Kemikal sa National Response Center (pambansang senter ng pagtugon) sa: 1-800-424-8802.
Mag-ulat ng mga alalahanin tungkol sa diskriminasyong epektong pangkapaligiran at pangkalusugan na dulot ng mga tumatanggap ng pederal na pondo sa DOJ Civil Rights (karapatang pangsibil ng kagawaran ng hustisya) sa: 1-888-848-5306.
Binago noong Oktubre 3, 2022