Skip to main content
Press Release

Sumali ang Limang Kagawaran ng Pederal sa Kagawaran ng Katarungan sa Muling Pagtitibay ng Ibinahaging Pangako para Itaguyod ang Mga Batas sa Mga Karapatang Sibil at Isulong ang Hustisyang Pangkapaligiran

Para sa Pang-agarang Paglathala
Tanggapan ng Ugnayang Pampubliko

Ang Dibisyon ng Mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Katarungan at mga opisyal mula sa Opisina ng Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Health and Human Services (HHS); Opisina ng Kagawaran sa Mga Karapatang Sibil ng Department of Transportation (DOT); Opisina ng Pagsunod sa Mga Eksternal na Karapatang Sibil ng Environmental Protection Agency (EPA); Opisina ng Department of Homeland Security (DHS) para sa Mga Karapatang Sibil at Kalayaang Sibil; at Opisina ng Patas na Pabahay at Pantay na Oportunidad ng Kagawaran ng Housing and Urban Development (HUD) ay magkasamang muling pinagtibay ngayong araw ang kanilang ibinahaging pangako na itaguyod ang mga batas sa karapatang sibil at isulong ang hustisyang pangkapaligiran sa mga komunidad sa buong Estados Unidos.

“Nakatuon ang Kagawaran ng Katarungan na ganap na ipatupad ang mga pederal na batas sa karapatang sibil para tugunan ang legasiya ng ating bansa sa rasismo sa kapaligiran at kakulangan sa pamumuhunan sa mga komunidad ng kulay,” sabi ni Assistant Attorney General Kristen Clarke ng Dibisyon ng Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Katarungan. “Mula 2021, pinaigting pa namin ang aming mga pagsisikap na i-coordinate ang mga kritikal na pagsisikap sa pagpapatupad na ito sa buong pederal na pamahalaan at patuloy itong gagawin habang gumagamit ng bilyun-bilyong dolyar ang mga recipient sa mga bagong gawad sa imprastraktura. Patuloy naming itutulak ang isang buong-pwersa ng-gobyerno na diskarte sa patuloy na pakikibaka para sa hustisyang pangkapaligiran sa ating bansa.”

“Patuloy na isinisentro ng Environmental Protection Agency ang aming misyon sa pag-integrate ng hustisya, pagkakapantay-pantay at mga karapatang sibil para sa mga komunidad sa buong bansa na hindi pa nakatanggap ng buong benepisyo mula sa mga dekada ng pag-usad ng EPA. Nakatuon kami sa pagpapatupad ng mga karapatang sibil para tugunan ang kawalan ng hustisya sa kapaligiran,” sabi ng Deputy Assistant Administrator para sa Pagpapatupad ng Programa na si Marianne Engelman-Lado ng Opisina ng Hustisyang Pangkapaligiran at Mga Eksternal na Karapatang Sibil ng EPA. “Mula sa pag-integrate ng mga karapatang sibil sa aming Estratehikong Plano at pang-araw-araw na operasyon, hanggang sa pagtaas ng pondo at kawani para sa kritikal na trabahong ito, patuloy na papalakasin ng EPA ang aming programa sa pagpapatupad ng mga karapatang sibil.”

“Ang hustisyang pangkapaligiran ay isang isyu sa kalusugan ng publiko, at dapat tiyakin ng ating mga batas sa karapatang sibil na ang lahat ng komunidad—anuman ang iyong lahi o zip code—ay ligtas at malaya mula sa mga panganib sa kapaligiran,” sabi ni Direktor Melanie Fontes Rainer ng Opisina para sa Mga Karapatang Sibil ng HHS. “Sa kasamaang-palad, ang mga komunidad ng kulay ay dating napapailalim sa kawalan ng hustisya sa kapaligiran at karapat-dapat sa buong atensyon ng pederal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ating mga batas para maging malaya sa diskriminasyon.”

“Higit pa sa paggalaw ng mga tao at kalakal, may mahalagang papel ang transportasyon sa ating personal at pangkapaligiran na kalusugan,” sabi ni Direktor Irene Marion ng Opisina ng Kagawaran ng Mga Karapatang Sibil ng DOT. “Bagaman isang shared asset ang imprastraktura ng transportasyon ng ating bansa, hindi na-enjoy ng lahat ng komunidad ang buong pakinabang at benepisyo nito ayon sa kasaysayan. Nakatuon ang DOT sa pagwawasto sa kursong ito sa pamamagitan ng paggamit ng awtoridad at resources nito para matiyak na ang mga sistema ng transportasyon ay ligtas, episyente at naa-access ng lahat."

“Pwedeng mangyari ang pagsusulong ng hustisyang pangkapaligiran sa pamamagitan ng edukasyon, teknikal na tulong at mahigpit na pagpapatupad ng mga matagal nang batas sa karapatang sibil,” sabi ni Officer Shoba Sivaprasad Wadhia ng Opisina para sa Mga Karapatang Sibil at Kalayaang Sibil ng DHS. “Nakatuon kami sa pakikipagtulungan sa mga recipient at komunidad tungo sa pagkamit ng hustisyang pangkapaligiran.”      

“Nakatuon ang Kagawaran ng Housing and Urban Development sa pagpapatupad ng patas na pabahay at mga batas sa karapatang sibil na nagsusulong ng hustisyang pangkapaligiran para ang lahat ng kapitbahayan at komunidad ay malusog, ligtas at matatag na mga lugar kung saan pwedeng lumagaw ang mga residente," sabi ng Principal Deputy Assistant Secretary na si Demetria McCain ng Opisina ng Patas na Pabahay at Pantay na Oportunidad ng HUD.. “Hindi dapat pasanin ng mga pinoprotektahang klase ang hindi magkatimbang na pasanin sa mga panganib sa kapaligiran, kahit na napakatagal na nilang mayroon nito.”

Sa pahayag, muling pinagtibay ng mga ahensya ang kanilang pangako na mahigpit na gagamitin ang lahat ng naaangkop na batas sa karapatang sibil, kabilang ang Title VI ng Civil Rights Act of 1964, para isulong ang hustisyang pangkapaligiran at aktibong makipagtulungan sa estado, teritoryo at lokal na pamahalaan at lahat ng iba pang entidad na tumatanggap ng pederal na pagpopondo para matiyak ang pagsunod sa mahahalagang batas na ito. Nagpapaalala rin sa mga recipient ang pinagsamang pahayag na ang mga obligasyon sa karapatang sibil ay hiwalay at naiiba sa iba pang obligasyon ng mga recipient, kabilang ang mga obligasyon na sumunod sa mga batas pangkapaligiran ng pederal, estado, teritoryo at lokal. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa trabaho ng Dibisyon ng Mga Karapatang Sibil para itaguyod at protektahan ang mga karapatang sibil ay available online sa justice.gov/crt. Maaaring iulat ang mga reklamo tungkol sa mga gawaing may diskriminasyon sa Dibisyon ng Mga Karapatang Sibil sa pamamagitan ng internet reporting portal nito sa civilrights.justice.gov.

Binago Mayo 13, 2024

Paksa
Environmental Justice
Civil Rights
Numero o bilang ng Press Release : 24-574