Skip to main content
Press Release

Mga Usapin Ng White House Roundtable [Talakayan] Ng Magkakasamang Ahensya Para Sa Tulong Panligal Ulat Sa Pangulo

Para sa Pang-agarang Paglathala
Tanggapan ng Ugnayang Pampubliko

Ngayong araw, magkasamang naglathala sina Attorney General Merrick B. Garland at White House Counsel Stuart Delery ng 2022 Ulat ng White House sa Roundtable ng Magkakasamang Ahensya Para sa Tulong Panligal. Ang ulat na pinamagatang “Pag-aabot sa Katarungan sa Pamamagitan ng Simplikasyon, Isang Mapa para sa Simplikasyong Nakasentro sa mga Tao ng mga Porma, Proseso, at Wika ng Pamahalaang Pederal” (“Access to Justice through Simplification, A Roadmap for People-Centered Simplification of Federal Government Forms, Processes, and Language”) ay nagtatampok sa mga nagawa at pangako ng mga ahenysa sa pagsulong sa sadya ng Roundtable na “dagdagan ang pagkakaroon ng makahulugang pag-aabot sa katarungan para sa mga indibidwal at pamilya, anuman ang kayamanan o katayuan.” 

“Dapat maaabot ng lahat ang mga porma at prosesong pang-gobyerno—hindi lamang mga abugado o yung may kayang makakabayad nito”, ani ni Attorney General Merrick B. Garland. “Nagkakaloob ang 2022 Ulat ng Roundtable ng roadmap upang tulungan ang mga ahensya na bawasan ang mga hadlang at palawakin ang pag-aabot sa mga programa at serbisyong pederal.”

Nakatuon ang ulat sa mga paraan kung paano mapasimple ng pamahalaang pederal ang kanilang mga porma at proseso upang bawasan ang pangangailangan ng mga tao na maghanap ng tulong panligal. Sa 2022, nakatuon ang Roundtable sa pagpalawak ng pag-aabot sa mga programa, serbisyo at pakinabang, sa pamamagitan ng pag-buo ng isang mapa para sa simplipikasyon at pagtatampok ng mga best practice [pinakamahusay na kagawian] ng mga kasaping ahensya. Kinilala ng 2022 ulat ng Roundtable ang tatlong-hakbang na landas pasulong upang (1) unawain ang mga hadlang sa pag-aabot sa pamamagitan ng makahulugang pakikipag-ugnayan sa mga pinaglilingkuran at naaapektohang komunidad ng mga programang pangpamahalaan, (2) tuparin ang mga estratehiya [balak na paraan] na pagsapi ng mga feedback [pagpuna] mula sa pakikipag-ugnayan, at (3) tasahin ang epekto ng mga pagsisikap sa simplipikasyon upang alamin kung napalawak nila nang makahulugan ang pag-aabot, o kung posible ang karagdagan pang pagpabuti nito. Tinatampok din ng ulat ang mga matagumpay na pagsisikap sa pagpa-simple ng mga porma at proseso ng mga kasaping ahensya, at tinataguyod nito ang mga pangako para sa mga pagpapabuti ng pag-aabot sa ibayo ng pamahalaan, sa pamamagitan ng disenyong nakasentro sa tao at pakikipag-ugnayan sa komunidad. 

“Sa pamamagitan ng gawaing ito, inuuna natin ang mga pamamaraang nakasentro sa mga tao upang mapasimple ang mga porma, proseso, at wika,” ani ni Office for Access to Justice Director Rachel Rossi. “Mahalagang ilagay natin ang mga komunidad na ating pinaglilingkuran sa gitna ng ating mga pagsisikap na ituloy ang pag-aabot sa katarungan para sa lahat.”

Noong Disyembre 2022, magkasamang namuno sina Attorney General Merrick Garland at Deputy White House Counsel Stacy Grigsby ng isang pagpupulong ng Roundtable, na may pahayag at paglahok ng Second Gentleman of the United States Douglas Emhoff at Associate Attorney General Vanita Gupta, at pinamatnugotan ng Director of the Office for Access to Justice, Rachel Rossi. Kabilang sa mga dumalong puno ng ahensya at mga mataas na antas na opisyal ng Roundtable ay sina Department of Veterans Affairs Secretary Denis Richard McDonough, Department of Homeland Security Deputy Secretary John Tien, Department of Social Security Administration Acting Commissioner Dr. Kilolo Kijakazi, Administrative Conference of the United States Chair Andrew Fois, Consumer Financial Protection Bureau Director Rohit Chopra, Department of Education Under Secretary James Kvaal, Equal Employment Opportunity Commission Chair Charlotte Burrows, Federal Communications Commission Chairwoman Jessica Rosenworcel, Deputy Assistant to the President Chiraag Bains, Department of Defense General Counsel Caroline Krass, Department of Labor Solicitor of Labor Seema Nanda, Legal Services Corporation President Ronald Flagg, Digital Service Administrator Mina Hsiang, Office of the Vice President Deputy Counsel Nasrina Bargzie, Environmental Protection Agency General Counsel Jeffrey Prieto, Department of Interior Principal Deputy Solicitor Ann Marie Bledsoe Downes, Office of Information and Regulatory Affairs Associate Administrator Sabeel Rahman, Department of Agriculture Chief Customer Experience Officer Simchah Suveyke Bogin, Agency for International Development Senior Deputy Assistant Administrator Karl Fickenscher, at National Science Foundation Deputy Division Director Alan Tomkins. Dumalo ang mga karagdagang opisyal mula sa Department of State, Department of Treasury, Department of Health and Human Services, at Department of Transportation.

Pinag-usapan ng Roundtable ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga komunidad, kabilang ang mga tagapagbigay ng tulong panligal at mga komunidad na may-kasaysayang kinakapos sa panustos at napapabayaan, upang unawain ang mga hadlang na hinaharap sa pag-aabot sa gamit-yaman ng pamahalaan. Tinampok ng Roundtable ang kahalagahan ng pagsasama ng impormasyon na natutuhan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan upang magpatibay ang mga estratehiyang may-bisa para mapasimple ang mga porma, proseso at salita ng pamahalaang pederal. Nagmuni-muni din ang Roundtable tungkol sa gawain ng mga tagapagbigay ng tulong panligal upang tulungan ang publiko sa pag-aabot sa mga pakinabang at programa ng pamahalaang pederal, at kung paano mapapagaan ng simplipikasyon ng mga porma at proseso ang pasanin ng mga samahan ng mga serbisyong ligal.

Sa miting, tinuring din ni Attorney General Garland si Allie Yang-Green bilang Executive Director ng Roundtable, isang tungkulin sa loob ng Office for Access to Justice. May marangal na kasaysayan si Ms. Yang-Green na nakatuon sa pag-aabot sa katarungan, at dati syang abugado sa Office for Access to Justice ng Departmento. Sa tagubilin ng mga Co-Chair, magtitipon si Ms. Yang-Green ng mga karaniwang pagpupulong ng Roundtable at pangangasiwaan niya ang pagsasagawa nito. Magpapatuloy ang Office for Access to Justice ng Departmento na tauhan ang Roundtable, at sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang kasapi ng Roundtable na ipasulong ang pag-unlad ng mga bagong paraan at best practices na magkakaloob ng makahulugang pag-aabot sa katarungan.

Noong 2021, pinahayag ni Attorney General Garland ang muling pagpanumbalik ng nagsasariling Office for Access to Justice sa loob ng Justice Department, na nakatalaga sa pagpabuti ng pang-uunawa at kakayahan ng pamahalaang pederal na tugunan ang mga pinakakagyat na ligal na pangangailangan ng mga komunidad sa buong Amerika. Karagdagan sa kanyang tungkulin bilang co-chair ng Roundtable ng Magkakasamang Ahensya Para sa Tulong Panligal, pinalathala din ni Attorney General Garland, kasama ni White House Counsel Dana Remus, ang ulat ng Roundtable 2021, “Pag-aabot sa Katarungan sa Panahon ng COVID-19” (“Access to Justice in the Age of COVID-19). Tinutukan ng 2021 Roundtable ang mga hadlang sa pag-aabot ng katarungan na nailantad at napalala noong pandemiya ng COVID-19, at kinilala nito ang mga makabagong estratehiya na pinagtibay ng mga kasapi sa Roundtable bilang pagtugon.

Binago Mayo 28, 2023

Paksa
Access to Justice
Numero o bilang ng Press Release : 23-314