Press Release
Subaybayan ng Justice Department (kagawaran ng hustisya) ang Pagsunod sa Mga Pederal na Batas sa Mga Karapatang Pagboto sa Hawaii
Inihayag ngayon ng Justice Department na susubaybayan nito ang pagsunod sa mga pederal na batas sa mga karapatan sa pagboto sa Hawaii para sa Agosto 10 primary election (pangunahing halalan). Susubaybayan ng departamento ang Honolulu County at Maui County.
Ipinapatupad ng Justice Department ang mga pederal na batas sa mga karapatan sa pagboto na nagpoprotekta sa mga karapatan ng lahat ng mamamayan na maabot ang balota. Regular na inilalagay ng departamento ang mga kawani nito upang subaybayan ang pagsunod sa mga pederal na batas sa karapatang pangsibil sa mga halalan sa mga komunidad sa buong bansa. Bilang karagdagan, ang dibisyon ay naglalagay din ng mga pederal na tagamasid mula sa Office of Personnel Management (opisina ng pamamahala ng tauhan), kung saan pinahintulutan ng utos ng pederal na hukuman.
Ang Voting Section (seksyon ng pagboto) ng Civil Rights Division (dibisyon ng karapatang pangsibil), na nagtatrabaho kasama ang mga Opisina ng U.S. Attorney (piskal ng U.S.), ay nagpapatupad ng mga pangsibil na probisyon ng mga pederal na batas na nagpoprotekta sa karapatang bumoto, kasama ang Voting Rights Act (batas ng mga karapatang bumoto), National Voter Registration Act (batas ng pagrehistro sa pambansang botante), Help America Vote Act (batas sa pagtulong sa America na bumoto), Civil Rights Act (batas sa karapatang pangsibil) at Uniformed and Overseas Citizens Absentee Voting Act (batas pangkarapatang bumoto ng mga mamamayang militar sa ibayong dagat).
Mga karagdagang impormasyon tungkol sa pagboto at mga halalan ay makikita sa website ng Justice Department sa www.justice.gov/voting. Matuto ng higit pa tungkol sa Voting Rights Act at iba pang pederal na batas sa pagboto sa www.justice.gov/crt/voting-section. Ang mga reklamo tungkol sa mga posibleng paglabag sa mga pederal na batas sa mga karapatan sa pagboto ay maaaring isumite sa pamamagitan ng website ng Civil Rights Division sa civilrights.justice.gov o sa pamamagitan ng telepono sa 1-800-253-3931.
Binago Agusto 12, 2024
Paksa
Civil Rights
Voting and Elections