Skip to main content
Press Release

Susubaybayan ng Kagawaran ng Hustisya ang mga Botohan sa 27 mga Estado para sa Pagsunod sa mga Pederal na Batas sa Karapatang Bumoto

Para sa Pang-agarang Paglathala
Tanggapan ng Ugnayang Pampubliko
Ang mga Kawani ng Dibisyon ng mga Karapatang Sibil ay Nakahandang Tumanggap ng mga Pambansang Pag-uulat sa Buong Araw ng Halalan

Ipinahayag ngayon ng Kagawaran ng Hustisya na pinaplano nitong subaybayan ang pagsunod sa mga pederal na batas sa karapatang bumoto sa 86 mga hurisdiksyon sa 27 mga estado para sa pangkalahatang halalan sa Nob. 5.

Ipinatutupad ng Kagawaran ng Hustisya ang mga pederal na batas sa karapatang bumoto na nagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng lahat ng karapat-dapat na mga mamamayang makakuha ng balota. Regular na ipinapadala ng departamento ng mga kawani nito sa mga lugar na kinakailangan upang masubaybayan ang pagsunod sa mga pederal na batas sa karapatang sibil sa mga halalan sa mga komunidad sa buong bansa.

Para sa pangkalahatang halalan, susubaybayan ng departamento ang 86 mga hurisdiksyon para sa pagsunod sa mga pederal na batas sa karapatang bumoto sa Araw ng Halalan, kabilang ang:

  • Bethel Census Area, Alaska;
  • Dillingham Census Area, Alaska;
  • Kusilvak Census Area, Alaska;
  • North Slope Borough, Alaska;
  • Northwest Arctic Borough, Alaska;
  • Apache County, Arizona;
  • Maricopa County, Arizona;
  • Pima County, Arizona;
  • Yuma County, Arizona;
  • San Joaquin County, California;
  • Broward County, Florida;
  • Miami-Dade County, Florida;
  • Orange County, Florida;
  • Osceola County, Florida;
  • Cobb County, Georgia;
  • DeKalb County, Georgia;
  • Fulton County, Georgia;
  • Gwinnett County, Georgia;
  • Macon-Bibb County, Georgia;
  • Jefferson County, Kentucky;
  • Kenton County, Kentucky;
  • City of Everett, Massachusetts;
  • City of Fitchburg, Massachusetts;
  • City of Leominster, Massachusetts;
  • City of Lowell, Massachusetts;
  • City of Malden, Massachusetts;
  • City of Methuen, Massachusetts;
  • City of Quincy, Massachusetts;
  • City of Salem, Massachusetts;
  • Prince George’s County, Maryland;
  • City of Ann Arbor, Michigan;
  • City of Detroit, Michigan;
  • City of Flint, Michigan;
  • City of Grand Rapids, Michigan;
  • City of Hamtramck, Michigan;
  • City of Warren, Michigan;
  • Hennepin County, Minnesota;
  • City of Minneapolis, Minnesota;
  • Ramsey County, Minnesota;
  • Covington County, Mississippi;
  • Scott County, Mississippi;
  • Warren County, Mississippi;
  • City of St. Louis, Missouri;
  • Blaine County, Montana;
  • Alamance County, North Carolina;
  • Mecklenburg County, North Carolina;
  • Wake County, North Carolina;
  • Bergen County, New Jersey;
  • Middlesex County, New Jersey;
  • Union County, New Jersey;
  • Bernalillo County, New Mexico;
  • Cibola County, New Mexico;
  • Clark County, Nevada;
  • Queens, New York;
  • Cuyahoga County, Ohio;
  • Portage County, Ohio;
  • Allegheny County, Pennsylvania;
  • Luzerne County, Pennsylvania;
  • Philadelphia County, Pennsylvania;
  • City of Pawtucket, Rhode Island;
  • City of Providence, Rhode Island;
  • City of Woonsocket, Rhode Island;
  • Charleston County, South Carolina;
  • Bennett County, South Dakota;
  • Jackson County, South Dakota;
  • Minnehaha County, South Dakota;
  • Oglala Lakota County, South Dakota;
  • Atascosa County, Texas;
  • Bexar County, Texas;
  • Dallas County, Texas;
  • Frio County, Texas;
  • Harris County, Texas;
  • Hays County, Texas;
  • Palo Pinto County, Texas;
  • Waller County, Texas;
  • San Juan County, Utah;
  • Hanover County, Virginia;
  • Henrico County, Virginia;
  • Loudoun County, Virginia;
  • City of Manassas, Virginia;
  • City of Manassas Park, Virginia;
  • Prince William County, Virginia;
  • Town of Lawrence (Rusk County), Wisconsin;
  • City of Milwaukee, Wisconsin;
  • Town of Thornapple, Wisconsin; and
  • City of Wausau, Wisconsin;

Pangangasiwaan ng Dibisyon ng mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Hustisya ang aktibidad. Kabilang sa mga sumusubaybay ang mga tauhan mula sa Dibisyon ng mga Karapatang Sibil, iba pang mga dibisyon ng departamento, mga Opisina ng Abogado ng Estados Unidos at mga pederal na nagmamasid mula sa Opisina ng Pangangasiwa ng mga Tauhan. Sa buong Araw ng Halalan, ang mga tauhan ng dibisyon ay mananatiling nakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng estado at lokal na halalan.

Ipinatutupad ng Seksiyon ng Pagboboto ng Dibisyon ng mga Karapatang Sibil ang mga sibil na probisyon ng mga pederal na batas na nagbibigay-proteksiyon sa karapatang bumoto, kabilang ang Batas sa Karapatang Bumoto, Batas sa Pambansang Pagpaparehistro ng Botante, Batas upang Matulungan ang Amerika na Makaboto, Batas sa Pagboboto ng mga Wala sa Lugar ng Botohan na mga Naka-uniporme at mga Mamamayan na nasa Ibang Bansa at ang mga Batas sa Karapatang Sibil. Ipinatutupad ng Seksiyon ng mga Karapatan ng mga May Kapansanan ng dibisyon ang Batas na May Kinalaman sa mga Amerikanong May Kapansanan (Americans with Disabilities Act, ADA) upang masiguro na ang mga taong may kapansanan ay mayroong kumpleto at kapantay na pagkakataong makaboto. Ipinatutupad ng Kriminal na Seksiyon ng dibisyon ang mga pederal na kriminal na batas na kung saan ipinagbabawal ang pananankot ng mga bumoboto at pagpigil ng pagboboto batay sa lahi, kulay, bansang pinanggalingan o relihiyon.

Sa Araw ng Halalan, ang mga tauhan ng Dibisyon ng mga Karapatang Sibil ay buong araw na nakahandang tumanggap ng mga tanong at reklamo mula sa publiko na nauugnay sa mga posibleng paglabag ng mga pederal na batas sa karapatang bumoto. Ang mga pag-uulat ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagpunta sa website ng departamento sa www.civilrights.justice.gov o sa pamamagitan ng pagtawag nang toll-free sa 800-253-3931.

Ang mga indibidwal na may mga tanong o reklamong may kaugnayan sa ADA ay maaaring tumawag sa toll-free na hotline ng impormasyon ng ADA sa 800-514-0301 o sa 833-610-1264 (TTY) o magsumite ng reklamo sa pamamagitan ng pagpunta sa link ng departamento sa website ng ADA sa www.ada.gov.

Ang mga reklamong may kaugnayan sa anumang pagkagambala sa isang lugar ng botohan ay dapat na palaging iulat sa mga opisyal ng lokal na halalan (kabilang ang mga opisyal na naka-base sa lugar ng botohan). Ang mga reklamong kaugnay sa karahasan, mga pagbabanta ng karahasan o pananakot sa isang lugar ng botohan ay dapat na iulat kaagad-agad sa lokal na mga pulis na awtoridad sa pamamagitan ng pagtawag sa 911. Ang mga reklamong ito ay dapat ding iulat sa departamento pagkatapos na makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad.

Maaaring makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagboboto at halalan, kabilang ang mga documentong nagbibigay-gabay at iba pang mga mapagkukunan sa www.justice.gov/voting. Alamin ang higit pa tungkol sa Batas sa Karapatang Bumoto at iba pang mga pederal na batas sa pagboboto sa www.justice.gov/crt/voting-section.

Binago Nobyembre 1, 2024

Paksa
Civil Rights
Voting and Elections
Numero o bilang ng Press Release : 24-1381