Skip to main content

Mag-Ulat ng Hate Crime [krimen ng kasuklaman] o Maghanap ng Pagtulong (Tagalog)

Humingi ng Tulong Ngayon

Basahin ang mga tagubilin sa ibaba para maunawaan kung paano makakakuha ng agarang tulong at kung paano mag-ulat ng krimeng dulot ng poot na nasaksihan o naranasan mo.

Sa isang emergency [kagipitan], i-dial ang 9-1-1 o ang inyong local na police upang makatanggap ng kaagarang pagtulong.

Upang mag-ulat ng hate crime:

Kung naniniwala kayo na victim kayo ng hate crime o nakapansin kayo ng hate crime—

Hakbang 1: Iulat ang crime sa inyong state o local police.

  • I-dial ang 9-1-1 o tumawag sa inyong local na himpilan ng police.
  • Maaring makitungo sa inyo ang mga alagad ng police para sa higit pang information habang nag-i-investigate [nag-uusig] sila noong crime.

HAKBANG 2: Asikasuhin nang kaagad ang pag-ulat nito sa pamamagitan ng pag-ulat nitong crime sa Federal Bureau of Investigation [kawanihang pampag-uusig] (FBI).

  • Online: Maaari kayong mag-ulat ng hate crime sa FBI sa: tips.FBI.gov.
  • Sundin ang mga tagubilin sa mga pop-up [pinapakita sa online] at ganapin ang form na online upang i-ulat ang hate crime.
  • Sa Phone: Tawagan ang FBI sa 1-800-CALL-FBI (1-800-225-5324).
  • Maaari din kayong makitungo sa inyong local na field office [tanggapang panglarangan] ng FBI. Hanapin ang phone number ng field office ng FBI na pinakamalapit sa inyo sa www.fbi.gov/contact-us/field-offices.
  • Maaring makitungo sa inyo ang FBI para sa higit pang information habang nag-i-investigate sila noong crime.

Gumagamit ang FBI ng mga tagapagsalin sa telepono upang makipag-usap sa iyo. Kapag tumawag ka ay mayroon isang minutong itinalang mensahe sa Ingles at Espanyol. Manatili sa linya hanggang sa marinig mo ang isang live na operator. Sabihin ang pangalan ng wikang sinasalita mo, at ang operator ang magkokonekta sa iyo sa isang kwalipikadong tagapagsalin upang matulungan kang magsumbong ng isang krimen sa pagkamuhi na alam mo o iyong naranasan.

May-Bisa ang Inyong Pagpahayag: Hindi kasangkot ang krimen sa lahat ng pangyayari na kasuklaman. Maaari ninyong iulat ang anumang pangyayari sa Civil Rights Division sa civilrights.justice.gov. Kabilang sa mga maaaring kinalabasan ang:

  • Pakikitungo para sa higit pang information,
  • Pagsimula ng mediation [pag-aayos] o pag-investigate,
  • Ipatnubay kayo sa iba pang samahan para sa karagdagang pagtulong, o
  • Abisuhan kayo na wala kaming maitutulong.

Maaring nararapat rin ang mga tao at community naeepektohan ng pangyayari para sa kaluwagan na binabanggit sa sumusunond.

Ano ang krimeng dulot ng poot?

 

Isang Krimen + Motibasyong Gawin ang Krimen Batay sa Pagkiling = Krimeng Dulot ng Poot  

 

Poot: Posibleng nakakalito ang terminong "poot." Kapag ginamit sa batas sa krimeng dulot ng poot, ang salitang "poot" ay hindi tumutukoy sa pagkamuhi, galit, o pangkalahatang hindi pagkagusto. Sa kontekstong ito, tumutukoy ang “poot” sa pagkiling laban sa mga tao o grupong may mga partikular na katangian na itinatakda ayon sa batas.

Krimen: Ang "krimen" sa krimeng dulot ng poot ay kadalasang isang marahas na krimen, gaya ng pag-atake, pagpatay, panununog, bandalismo, o mga pagbabanta na gagawin ang mga nasabing krimen. Posibleng saklaw din nito ang pagsasabwatan o paghiling sa isa pang tao na gawin ang mga nasabing krimen, kahit na hindi kailanman naisagawa ang krimen.

Pagkiling o Insidente ng Poot: Mga pagkilos na panghuhusga na hindi mga krimen at hindi kinasasangkutan ng karahasan, mga banta, o pagkasira ng ari-arian.

Sinasaklaw ng mga batas pederal sa krimeng dulot ng poot ang mga krimeng ginawa batay sa:

LahiSekswal na Oryentasyon
KapansananKasarian
Etnisidad/Bansang PinagmulanPagkakakilanlang Kasarian
KulayPagkakakilanlang Kasarian

 

Iba-iba ang mga batas ng estado sa krimeng dulot ng poot. Kasama sa karamihan ang mga krimeng nagawa batay sa lahi, kulay, at relihiyon. May kasama ring mga karagdagang kategorya ang karamihan.

Unang Susog at Malayang Pagsasalita:

Sa ilalim ng Unang Susog ng Konstitusyon ng U.S., hindi maaaring usigin ang mga tao dahil lang sa kanilang mga paniniwala, kahit na nakakapanakit ang mga paniniwalang iyon. Gayunpaman, hindi pinoprotektahan ng Unang Susog ang mga taong gagawa ng mga krimen dahil sa isang pinoprotektahang paniniwala.

Binago Nobyembre 21, 2024