Related Content
Press Release
Tandaan: Ang press release na ito ay isinalin sa iba't ibang wika. Tingnan ang mga kalakip sa ibaba.
Inihayag ng Kagawaran ng Katarungan na nakakuha na ito ng pinal na resolusyon sa usapin ng mga karapatang sibil nito na kinasasangkutan ng mga korte ng County ng Fort Bend (Fort Bend County, FBC). Sinunod ng FBC ang lahat ng tuntunin ng isang Hunyo 2021 na Memorandum of Agreement (MOA) at bilang resulta, isinasara ng kagawaran ang usapin.
Una nang binuksan ng kagawaran ang usapin batay sa mga alegasyon na ang mga korte ng FBC ay may diskriminasyon laban sa mga taong may limitadong kahusayan sa Ingles (limited English proficiency, LEP) batay sa kanilang bansang pinagmulan at gumanti laban sa isang nagrereklamo na lumalabag sa Titulo VI ng Batas sa mga Karapatang Sibil ng 1964 (Titulo VI) na nagbabawal ng diskriminasyon sa lahi, kulay at bansang pinagmulan ng sinumang tumatanggap ng pederal na tulong pinansyal. Isang reklamo ang nagparatang na ang Korteng Pandistrito ng FBC ay ipinagkait sa isang kriminal na nasasakdal na may LEP ang isang Vietnamese na interpreter na kailangan niya para sa isang plea hearing at sinabi na ang nasasakdal o ang kanyang abogado ay dapat maghanap at magbayad para sa isang Vietnamese interpreter. Noong Hunyo 29, 2021, niresolba ang pagsisiyasat ng kagawaran at FBC gamit ang isang MOA na nangangailangan ng malalaking pagbabago sa mga patakaran sa pag-access sa wika ng FBC para sa mga gumagamit ng korte na may LEP.
Simula noon, gumawa ang FBC ng mga makabuluhang pagbabago upang mapabuti ang pag-access para sa mga gumagamit ng korte na may LEP at upang sumunod sa mga kinakailangan sa Titulo VI. Halimbawa, ang FBC:
“Ang mga bagong patakaran at kasanayan na pinagtibay ng mga korte ng Fort Bend County ay nakakatulong na magbigay ng makabuluhang akses sa wika para sa mga taong may limitadong kasanayan sa Ingles,” sabi ni Assistant Attorney General Kristen Clarke ng Sangay ng mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Katarungan. “Umaasa ako na sundin ng ibang mga sistema ng korte ang halimbawa ng Fort Bend County at kumilos upang magbigay ng mga serbisyo ng interpreter sa mga gumagamit ng korte nang walang bayad. Ang pagkakaroon ng katarungan sa ating bansa ay hindi dapat limitahan o ipagkait dahil lamang sa iyong kahusayan sa Ingles.”
“Ang Fort Bend County ay isa sa mga pinaka-diverse na county sa Texas kung saan halos kalahati ng populasyon ay nagmula sa Espanya, Silangang Asya at Timog Asya. Bilang isang tagausig, isang imigrante at anak ng mga ipinanganak sa India, uring manggagawang magulang, nakita ko, mismo, ang mga pakikibaka ng mga pinakabagong residente ng Amerika na nagsasalita ng Ingles bilang pangalawang wika, at ang pangangailangan para sa mga interpreter, lalo na sa panahon ng paglilitis ng korte,” sabi ni US Attorney Alamdar S. Hamdani para sa Katimugang Distrito ng Texas. “Dahil sa pagsusumikap ng mga tagausig sa Opisina ng Abogado ng Estados Unidos para sa Katimugang Distrito ng Texas at sa Sangay ng Karapatang Sibil, lahat ng residente, anuman ang bansang pinagmulan, ay magkakaroon ng ganap na access sa sistema ng korte upang pangasiwaan ang lahat mula sa mga usapin ng korteng pampamilya, mga usaping kriminal at pangkalahatang sibil. Inaasahan ko ang pakikipagtulungan sa ibang mga county at ng Opisina ng Pangasiwaan ng Korte upang gayahin ang mga pagsisikap na ito sa buong Katimugang Distrito ng Texas.”
Ang usaping ito ay magkasamang pinangasiwaan ng mga abogado sa Sangay ng mga Karapatang Sibil at ng Opisina ng Abogado ng US para sa Katimugang Distrito ng Texas.
Ang karagdagang impormasyon tungkol sa Sangay ng mga Karapatang Sibil ay makukuha sa website nito sa www.justice.gov/crt, at ang impormasyon tungkol sa limitadong kasanayan sa Ingles at Titulo VI ay makukuha sa www.lep.gov. Ang mga miyembro ng publiko ay maaaring mag-ulat ng mga posibleng paglabag sa karapatang sibil sa civilrights.justice.gov/report/ o sa Opisina ng Abogado ng US para sa Katimugang Distrito ng Texas sa www.justice.gov/usao-sdtx/civil-division/civil-rights-section.