Ang Departamento ng Hustisya ay Naglulunsad ng Bagong Nagtatrabahong Grupo sa Kaparaanan sa Wika ng Pangkaloobang Ahensiya
Inihayag ngayon ng Departamento ng Hustisya ang paglunsad ng Pederal na Nagtatrabahong Grupo sa Kaparaanan sa Wika, isang bagong pagsisikap ng pangkaloobang ahensiya na magtutugma ng kaparaanan sa wika sa buong pederal na pamahalaan. Kasama ng paglikha sa nagtatrabahong grupo na ito, inihayag din ng Departmento ang pagpapalabas ng pinakabagong mga plano sa kaparaanan sa wika ng pederal na ahensiya sa website nito, www.LEP.gov, sa unang anibersaryo ng panandaan [memorandum] sa kaparaanan sa wika ni Pangunahing Abogado Merrick B. Garland sa pederal na mga ahensiya.
Noong Nobyembre 2022, nangasiwa si Pangunahing Abogado Garland sa pederal na mga ahensiya na baguhin ang kanilang mga plano sa kaparaanan sa wika, magbahagi ng pinakamahusay na mga kagawian, at makipagpalitan ng impormasyon tungkol sa mga pagsisimula at mga pagsisikap sa kaparaanan sa wika bilang pagsunod sa Nakatataas ng Utos 13166 [Executive Order 13166], “Pagpapabuti ng Kaparaanan sa mga Serbisyo para sa mga Tao na may Limitadong Kasanayan sa Ingles.” Minarkahan ngayon ang pagpapalabas ng unang grupo ng pinakabagong mga planong iyon kasama na ang pagpo-post ng mga karagdagang pederal na mga ahensiya ng pinakabagong mga plano sa darating na mga buwan.
“Mas mahusay na masisilbihan ng ating pamahalaan ang lahat ng mga Amerikano kapag sinigurado namin na ang mga hadlang sa wika ay hindi hahadlang sa pakikilahok sa buhay sibiko,” sabi ni Pangunahing Abogado Garland. “Ngayon, ikinalulugod kong ibahagi na sinagot ng mahigit ng isang dosenang pederal na mga ahensiya ang aking tawag upang muling suriin ang mga paraan kung paano nilang tinutugunan ang mga hadlang na ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng pinakabagong mga plano at mga patakaran na naglalayong tiyakin na ang mga programa ng pamahalaan ay manatiling makukuha ng lahat. Ipagpapatuloy ng Departamento ng Hustisya ang pagsusuporta sa mga ahensiya sa pagpapatupad ng kanilang mga plano sa kaparaanan sa wika at ang kanilang mas malawak na pagsisikap na isara ang agwat ng wika sa buong pederal na mga programa at mga serbisyo.”
“Lahat ng tao sa bayan ay dapat magawang gamitin ang kanilang mga karapatan, makakuha ng kritikal na impormasyon at kaparaanan sa mga benepisyo at mga serbisyo kung saan sila ay karapat-dapat, hindi alintana sa wika na kanilang sinasalita, binabasa, o sinusulat,” sabi ni Pangalawang Pangunahing Abogado Kristen Clarke para sa Dibisyon sa mga Karapatang Sibil ng Departamento ng Hustisya. “Ang pinakabagong mga plano sa kaparaanan sa wika na ipinalabas ngayon ay inilalatag ang mga hakbang na ginagawa ng mga kawani ng pederal upang matiyak na ang mga taong may limitadong kasanayan sa Ingles ay nabibigyan ng tunay at makabuluhang kaparaanan sa pederal na mga programa at mga aktibidad. Ang mga planong ito ay nagbibigay din ng kasangkapan sa mga kawani ng pederal ng impormasyon na kanilang kailangan para sa pakikipag-usap ng wasto at mabisa sa lahat ng mga komunidad.”
Ang Pederal na Nagtatrabahong Grupo sa Kaparaanan sa Wika ay magsisilbing isang sentral na mapagkukunan sa pagkakaloob ng taguyod at teknikal na tulong sa mga pederal na mga ahensiya habang tinatrabaho nila ang pagpapatupad ng kanilang pinakabagong mga plano sa kaparaanan sa wika. Ang nagtatrabahong grupo ay direktang makikibahagi rin sa mga grupo ng komunidad, sa mga indibidwal na may limitadong kasanayan sa Ingles at iba pang mga nagsasapalaran upang matiyak ang pagsunod sa Nakatataas na Utos 13166 at iba pang pederal ng mga obligasyon sa kaparaanan sa wika. Pagtutuunan din ng nagtatrabahong grupo na tiyakin na ang mga tatanggap ng pederal na mga pondo ay susunod sa kanilang mga obligasyon sa kaparaanan sa wika sa ilalim ng pederal na batas. Nanawagan ang panandaan ni Pangunahing Abogado sa mga ahensiya na isaalang-alang ang mga karagdagang paraan kung saan na makakatiyak ang mga ahensiya na ang mga tatanggap ng pederal na tulong pinansiyal ay nauunawaan at sumusunod sa kanilang mga obligasyon upang magkaloob ng makahulugang kaparaanan sa wika sa ilalim ng mga kinakailangan ng Titulo VI ng Batas sa mga Karapatang Sibil ng 1964 at ang mga regulasyon nito sa pagpapatupad.
Ang pahayag ngayon ay bumubuo sa Departamento ng Hustisyang katagalang pangako sa pagsulong sa kaparaanan sa wika. Kamakailan lamang ang Dibisyon sa mga Karapatang Sibil ay naglathala ng isang katotohanang pilyego [fact sheet] tungkol sa kaparaanan sa wika sa mga hukuman sa pakikipagtuwangan sa isang webinar para sa mga hukumang pang-estado. Inilunsad din ng dibisyon ng Pagkukusa sa Kaparaanan sa Wika ng Tagapagpatupad ng Batas [Law Enforcement Language Access Initiative], isang buong bansang pagsisikap upang tulungan ang mga ahensya sa pagpapatupad ng batas upang matugunan nila ang kanilang mga obligasyon sa pagkakaloob ng makabuluhang kaparaanan sa wika.
Alinsunod sa Panandaan ni Pangunahing Abogado noong Nobyembre 2022, nagpahayag ang Departamento ng Hustisya ng binagong Plano sa Kaparaanan sa Wika nito noong Agosto, kung saan ay makikita dito [here]. Espanyol, Pinasimpleng Intsik, Tradisyonal na Intsik, Vietnamese, Koreano, Tagalog, Arabe, at Pranses na mga pagsasalin ay magagamit din. Ang Tanggapan ng Kaparaanan sa Programa sa Kaparaanan sa Wika [Language Access Program] ng Hustisya ay nakikipag-tugma sa pagpapatupad ng binagong plano ng Departamento, nagkakaloob ng pagsasanay at teknikal na tulong sa mga bahagi ng Departamento, pinapalawak ang mga mapagkukunan sa kaparaanan sa wika, at nagtataguyod sa pagpapabuti sa mga patakaran at kasanayan sa kaparaanan sa wika bilang pagsunod sa plano ng Departamento. Niluluklok ng Tagapag-ugma sa Programa ng Kaparaanan sa Wika ang Nagtatrabahong Grupo sa Kaparaanan sa Wika ng Departamento, isang pagsisikap sa buong Departamento upang ipatupad ang plano ng Departamento.
Mayroong mga karagdagang impormasyon tungkol sa Dibisyon sa mga Karapatang Sibil sa website nito sa www.justice.gov/crt at impormasyon tungkol sa limitadong kasanayan sa Ingles at ang Nakatataas na Utos 13166 ay magagamit sa www.LEP.gov.