Ang Kagawaran ng Katarungan ay Naglabas ng Language Access Plan upang Palawakin ang Pag-access sa mga Mapagkukunan at Programa ng Kagawaran
Ang Kagawaran ng Katarungan ay naglabas ngayon ng isang na-update na Language Access Plan sa buong Kagawaran upang makatulong na matiyak na ang lahat ng mga indibidwal, maging anuman ang wikang ginamit, ay mayroong access at ganap na makalahok sa mga programa, aktibidad, at serbisyo ng Kagawaran. Ang Language Access Plan ay nagbibigay ng gabay sa mga tanggapan ng Kagawaran upang tulungan silang palakasin ang pagpaplano ng pag-access sa wika, na kinabibilangan ng pag-unawa sa mga pangangailangan ng mga komunidad na may limitadong kasanayan sa Ingles, pagpapabuti ng mga serbisyo ng pagsasalin at interpretasyon, pagtataguyod ng kalidad ng kasiguruhan ng mga serbisyong iyon, at pagpapalawak ng hanay ng mga magagamit na kagamitan upang maglingkod sa publiko.
“Ang mga hadlang sa wika ay hindi dapat humadlang sa pag-access sa mga serbisyo ng gobyerno,” sabi ni Attorney General Merrick B. Garland. “Itong na-update na Language Access Plan ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagseguro na ang lahat ay makakapag-ulat ng mga krimen, maka-access ng mahahalagang mapagkukunan, at humingi ng tulong mula sa Kagawaran ng Katarungan kapag kailangan nila ito.”
“Ang malawak na pag-access sa wika ay nagpapataas sa misyon ng Kagawaran ng Katarungan na itaguyod ang panuntunan ng batas, panatilihing ligtas ang ating bansa, at protektahan ang mga karapatang sibil,” sabi ni Deputy Attorney General Lisa O. Monaco. “Aking pinagmamalaki ang gawain ng Kagawaran para gawing moderno, i-streamline, at pahusayin ang ating mga mapagkukunan at patakaran sa wika upang higit na mapagserbisyohan ang lahat ng mga Amerikano, kabilang ang mga indibidwal na nahaharap sa mga hadlang sa wika.”
“Ang bawat tao sa bansang ito ay nararapat maka-access ng makabuluhang mga serbisyo at programa ng gobyerno,” sabi ni Associate Attorney General Vanita Gupta. “Ang mga na-update na patakarang ito ay sumasalamin sa pangako ng Kagawaran ng Katarungang na alisin ang mga hadlang sa wika na pumipigil sa maraming mga komunidad na maunawaan ang kanilang mga karapatan, mag-ulat ng mga krimen, o kung hindi man ay magkaroon ng buo at pantay na pag-access sa mga mapagkukunan ng Kagawaran.”
Ang na-update na Language Access Plan ay iginawad alinsunod sa memorandum ni Attorney General Garland noong Nobyembre 2022 na Memorandum para sa mga Pinuno ng Ahensyang Pederal, Mga Pinuno ng mga Tanggapan ng Karapatang Sibil, at Pangkalahatang Payo Tungkol sa Pagpapalakas sa Pangako ng Pamahalaang Pederal sa Pag-access sa Wika na nag-utos sa Dibisyon ng Mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Katarungan na makipagtulungan sa mga ahensyang pederal upang mapabuti ang mga pagsisikap na tiyakin ang makabuluhang pag-access sa wika at rebisahin at i-update ang kanilang mga plano at patakaran sa pag-access sa wika nang naaayon. Minarkahan din nito ang ika-23 anibersaryo ng Kautusang Tagapagpaganap 13166, Pagpapabuti ng Pag-access sa Mga Serbisyo para sa mga Taong may Limitadong Kahusayan sa Ingles (Ago. 16, 2000), na nag-uutos sa mga ahensyang pederal na bumuo at magpatupad ng mga sistema na nagbibigay-daan sa mga taong may limitadong kasanayan sa Ingles na makabuluhang ma-access ang kanilang mga serbisyo.
Pinangunahan ng Tanggapan para sa Pag-access sa Katarungan ang pagbuo ng na-update na Plano ng Kagawaran, nakikipag-ugnayan kasama ang Grupong Kumikilos sa Pag-access sa Wika ng Kagawaran at ang Dibisyon ng mga Karapatang Sibil. Ang gawaing ito ay bahagi ng Tanggapan ng Pag-access sa Katarungan (Office of Access to Justice ATJ) at ang mas malawak na pamumuno ng Grupong Kumikilos ng Kagawaran sa mga pagsisikap na palawakin ang mga mapagkukunan ng pag-access sa wika, pagbutihin ang kamalayan sa mga isyu sa pag-access sa wika, at magbigay ng pagsasanay at tulong teknikal sa ibang mga tanggapan sa loob ng DOJ at sa buong pamahalaang pederal.
“Ang pag-access sa katarungan ay nangangahulugan ng pag-access sa wika,” sabi ni ATJ Director Rachel Rossi. “Sa pamamagitan ng na-update na mga patakaran sa Language Access Plan na ito, muli kaming nangangako sa pinalawak na pag-access sa wika bilang isang pangunahing bahagi ng lahat ng mga programa at aktibidad ng Kagawaran.”
Ang Dibisyon ng Mga Karapatang Sibil, alinsunod sa memorandum ng Attorney General Garland at ang responsibilidad nitong tiyakin ang pare-pareho at koordinadong pagsunod ng buong pamahalaan sa Kautusang Tagapagpaganap 13166 at ang Titulo VI ng Mga Batas sa Karapatang Sibil ng 1964, nagbigay din ng malalim na tulong teknikal at nakipag-ugnayan sa mga panlabas na stakeholder upang tulungan ang Kagawaran at iba pang ahensyang pederal na i-update at baguhin ang kanilang mga plano sa pag-access sa wika. Pinagsama-sama ng dibisyon ang mahigit 35 na mga ahensyang pederal para sa mga sesyon na hinihikayat ang mga eksperto at kawaning pederal upang matukoy ang epektibong paggamit ng mga kwalipikadong bilingguwal na empleyado, kung paano bumuo ng multilingguwal na digital na nilalaman, at ang natatanging pangangailangan sa pag-access sa wika ng mga taong nagsasalita ng mga katutubong wika o may kapansanan. Ngayon, ang dibisyon ay nagdaragdag din ng isang bagong gabay upang suportahan ang mga pagsisikap ng ahensya na mangolekta ng data ng wika at mag-post ng multilingguwal na nilalaman sa katalogo nito ng mga mapagkukunan ng pag-access sa wika sa www.LEP.gov.
“Itong nirebisang Plano sa Pag-access sa Wika ay binibigyang-diin ang patuloy na pangako ng Kagawaran sa pag-access ng wika sa sarili naming mga programa at aktibidad,” sabi ni Assistant Attorney General Kristen Clarke ng Dibisyon ng Mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Katarungan. “Inaasahan naming mailathala ang lahat ng binagong plano sa pag-access sa wika ng ahensya sa www.LEP.gov upang makatulong na matiyak na alam ng lahat ng mga stakeholder kung paano makakuha ng makabuluhang pag-access sa wika kapag nakikipag-ugnayan sa pamahalaang pederal.”
Ang na-update na Plano ay isasalin sa ilang mga wika at magagamit sa website ng Kagawaran gamit ang kamakailang inilunsad na kagamitan sa nagpili ng wika ng Kagawaran.