Press Release
Kinikilala ng Justice Department (kagawaran ng hustisya) ang Anibersaryo ng Executive Order (kautusang pampangasiwa) 13166: Pagpapabuti ng Pag-abot sa Mga Serbisyo para sa Mga Taong may Limited English Proficiency (limitadong kasanayan sa Ingles)
Para sa Pang-agarang Paglathala
Tanggapan ng Ugnayang Pampubliko
Kahapon ay minarkahan ang ika-24 na anibersaryo ng Executive Order 13166, “Pagpapabuti ng Pag-abot sa Mga Serbisyo para sa Mga Taong may Limited English Proficiency.” Sa kaibuturan nito, kinikilala ng Order ang pangunahing prinsipyo na ang pederal na pamahalaan ay dapat na maunawaan at makipag-ugnayan sa lahat ng tao sa United States, kabilang ang mga may limited English proficiency (LEP), upang mapanatiling ligtas at maunlad ang ating bansa at mga komunidad.
Ngayon, ang Civil Rights Division (dibisyon ng karapatang pangsibil) ng Justice Department ay naglabas ng isang impresyon ng pagsusuri nito hanggang sa kasalukuyan ng mga plano sa pag-abot ng wika ng pederal na ahensya. Magbibigay kami ng karagdagang impormasyon tungkol sa progreso ng pederal na ahensya at mga uso sa mga darating na buwan habang patuloy kaming makikipagtulungan sa mga pederal na ahensya sa pag-update at pagpapatupad ng kanilang mga plano sa pag-abot ng wika.
Ang komunikasyon ay kritikal sa aming misyon. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, ang departamento ay nagtrabaho sa pakikipagtulungan sa mga pederal na ahensya at mga stakeholder (may interes) upang alisin ang mga hadlang sa wika sa mga pederal at pederal na pinondohan na mga programa o serbisyo. Ang hindi pagkakaunawaan ay maaaring humantong sa mga kalunos-lunos na kahihinatnan sa mga sitwasyong pang-emergency, mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan, at sistema ng hustisya. Sa katunayan, ang pakikipag-usap at pag-unawa sa mga taong may LEP ay kritikal sa pagpapatupad ng batas, pagpoprotekta sa kapaligiran, pagbibigay ng tulong sa pabahay o pagkain, pagtataguyod ng tagumpay ng mag-aaral, pagtiyak sa kalusugan ng publiko at pagtataguyod ng kaunlaran at hustisya ng ekonomiya. Kapag ang mga ahensya ng pamahalaan ay nagbibigay, halimbawa, ng mga pagsasalin ng mahahalagang dokumento o nag-aalok ng isang tagapagsalin sa panahon ng mahahalagang pag-uusap o pagdinig, pinapahusay namin ang bisa ng mga pederal at pederal na pinondohan na mga programa at serbisyo, tinitiyak na naaabot at nakikinabang ang mga ito sa lahat ng nilalayong komunidad.
Ang departamento ay nananatiling matatag sa pangako nito na tiyakin na ang aming sariling mga programa at ang mga programang aming pinopondohan ay mananatiling bukas sa lahat, anuman ang kasanayan sa Ingles ng isang tao. Habang ang mga ahensya sa buong pederal na pamahalaan ay nakagawa ng malaking pag-unlad, naiintindihan namin na ang mga hamon ay naghihintay sa hinaharap. Halimbawa, sa pamamagitan ng aming tungkuling pangkoordinasyon, nagsagawa kami ng detalyadong pagsusuri ng 40 na na-update na mga plano sa pag-abot ng wika ng pederal na ahensya, kung saan nalaman namin na dumarami ang bilang ng mga ahensyang pederal na nakatuon sa:
- Pagtatag ng nakatuon sa pag-abot ng wika na mga tauhan at kawani ng mga protokol sa pagsasanay upang matiyak ang epektibong pagpapatupad;
- Pagpapabuti ng mga kontrol sa kalidad upang mangailangan ng tumpak at nasusuri na kalidad na mga serbisyo ng tulong sa wika; at
- Pagpapalawak ng pag-abot sa impormasyon sa pamamagitan ng iba't-ibang wika na nilalaman sa online at mga digital na komunikasyon.
Kasama ng aming tungkuling pangkoordinasyon, inuna namin ang pag-aaral tungkol sa, pagpapatupad at pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga epektibong patakaran at pamamaraan upang maalis ang mga hadlang sa wika sa aming mga programa o mga programang aming pinopondohan. Halimbawa:
- Matapos mag-expire ang termino ng pinakaunang Language Access Coordinator (tagapag-ugnayan sa pag-abot ng wika) ng Departamento, ginawang permanente ng Office for Access to Justice (ATJ) (opisina para sa pag-abot ng hustisya) ang posisyon at pinunan ang tungkulin sa isang nakatataas na pangsibil na serbisyong Language Access Coordinator upang matiyak ang pangmatagalang buhay ng kritikal na gawaing ito. Ang ATJ ay nagpapasok din ng karagdagang kawani upang suportahan ang gawain ng Language Access Coordinator at upang higit pang bumuo ng Language Access Program (programa ng pag-abot ng wika).
- Alinsunod sa Language Access Plan (plano sa pag-abot ng wika) ng Departamento, ang Language Access Coordinator ng buong departamento ng ATJ ay nakikipagtulungan sa mga bahagi ng departamento upang bumuo ng mga plano na partikular sa bahagi sa pag-abot ng wika. Magbibigay-daan ito sa mga bahagi na bumuo ng mga patakaran sa pag-abot ng wika na partikular sa natatanging misyon at mandato ng bawat bahagi, alinsunod sa pangkalahatang mga patakaran ng plano ng Language Access ng departamento.
- Sa nakalipas ng dalawang taon, ang Language Access Program ng ATJ ay nagbigay ng teknikal na tulong at nag-ayos ng mga serbisyo sa pagsasalin para sa mahigit 50 na opisina sa buong Departamento, upang palawakin ang pag-abot ng wika sa buong nilalaman ng Departamento na kinakaharap ng publiko. Ang programa ay nakakumpleto ng higit sa 75 na mga proyekto sa pagsasalin na kinabibilangan ng mga press release (pahayag ng press), outreach na materyales, digital na nilalaman, mga ulat at higit pa.
- Bilang bahagi ng Law Enforcement Language Access Initiative (LELAI) (inisyatiba sa pag-abot ng wika ng tagapagpatupad ng batas) ng Civil Rights Division , si Assistant Attorney General (katulong na pangkalahatang abogado) Kristen Clarke ng Civil Rights Division ay nagbigay ng isang liham sa mga kasamahan sa pagpapatupad ng batas noong December 2023 na idinidiin ang kanilang pederal na obligasyon sa karapatang pangsibil na magbigay ng mga serbisyo ng tulong sa wika sa mga taong may LEP, at magbigay ng epektibong komunikasyon sa mga taong bingi at mahirap makarinig.
- Sa pamamagitan ng LELAI, ang Civil Rights Division ay nakipagtulungan din sa Office of Community Oriented Policing Services (COPS) (opisina ng mga serbisyong pampupulis na nakatuon sa komunidad) at National Center for Policing Innovation (pambansang center para sa makabagong pampupulis) upang ilunsad ang mga pangunahing mapagkukunan sa COPS Training Portal (portal na pagsasanay ng COPS) upang matulungan ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas na malampasan ang mga hadlang sa wika bilang pagsunod sa Titulo VI ng Civil Rights Act (batas ng karapatang pangsibil) ng 1964 at ng Omnibus Crime Control (pangkalahatang pagkontrol ng krimen)at Safe Streets Act (batas ng kaligtasan sa kalye) ng 1968.
- Ang dibisyon ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga Opisina ng U.S. Attorney (piskal ng U.S.) sa buong bansa upang tulungan ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas na matugunan ang kanilang obligasyon na magbigay ng makabuluhang tulong sa wika sa mga taong may LEP upang mas mahusay ang paglingkod at pagprotekta ng mga komunidad. Kasama sa mga halimbawa ng trabaho sa mga partikular na ahensyang nagpapatupad ng batas:
- Settlement Agreement sa Sheriff’s Office a King County, Washington State
- Settlement Agreement at Language Access Plan sa Denver Police Department, Colorado
- Nagpaskil din ang dibisyon ng mga materyales para sa karapatan ng pagboto para sa pangkalahatang publiko sa mahigit isang dosenang wika, kabilang ang isang Know Your Rights (alamin ang iyong karapatan) na polyeto at isang dokumento na nagpapaliwanag sa mga kinakailangan sa wika ng Seksyon 203 ng Voting Rights Act (batas sa mga karapatang pagboto) ng 1965. Ang mga dokumentong ito ay matatagpuan sa Voting | Voting Rights (justice.gov).
Sa darating na taon, ang Civil Rights Division ay magpapatuloy na mamumuno sa mga pagpupulong ng Federal Language Access Working Group (grupong nagtatrabaho sa pederal na pag-abot ng wika). Sa mga pagpupulong ng magkakasamang ahensya na ito, natututo kami at nagbabahagi ng impormasyon tungkol sa pagsasagawa ng epektibong pagsasanay sa mga kawani sa pag-abot ng wika; pagre-recruit, pagtatasa, pagkuha at pagpapanatili ng kawani sa maraming wika; pangongontrata para sa mga kwalipikadong nagsasalin at tagapagsalin; at paggamit ng teknolohiya upang maghatid ng tumpak at maaasahang mga serbisyo ng tulong sa wika. Sa pamamagitan ng pinag-isang pamamaraang ito, hinahangad naming tuparin ang pangako ng Titulo VI ng Civil Rights Act ng 1964 at Executive Order 13166 sa pagpigil sa diskriminasyon at pagtiyak ng pantay na pagtrato sa ilalim ng batas.
Binago Agusto 12, 2024
Paksa
Access to Justice
Civil Rights
Bahagi