Naglathala ngayon ang Departamento ng Hustisya ng isang panandaan na humihiling sa mga ahensiyang pederal na suriin ang kanilang mga gawi at mga patakaran ukol sa daan sa wika upang patibayin ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaang pederal sa mga indibidwal na may limitadong kasanayan sa Ingles (LEP).
Ngayong araw, magkasamang naglathala sina Attorney General Merrick B. Garland at White House Counsel Stuart Delery ng 2022 Ulat ng White House sa Roundtable ng Magkakasamang Ahensya Para sa Tulong Panligal. Ang ulat na pinamagatang “Pag-aabot sa Katarungan sa Pamamagitan ng Simplikasyon, Isang Mapa para sa Simplikasyong Nakasentro sa mga Tao ng mga Porma, Proseso, at Wika ng Pamahalaang Pederal” (“Access to Justice through Simplification, A Roadmap for People-Centered Simplification of Federal Government Forms, Processes, and Language”) ay nagtatampok sa mga nagawa at pangako ng mga ahenysa sa pagsulong sa sadya ng Roundtable na “dagdagan ang pagkakaroon ng makahulugang pag-aabot sa katarungan para sa mga indibidwal at pamilya, anuman ang kayamanan o katayuan.”
The Justice Department announced a settlement agreement with Fort Bend County (FBC) to improve access to court for people with limited English proficiency (LEP).
Ang Dibisyon ng Mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Katarungan at mga opisyal mula sa Opisina ng Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Health and Human Services (HHS); Opisina ng Kagawaran sa Mga Karapatang Sibil ng Department of Transportation (DOT); Opisina ng Pagsunod sa Mga Eksternal na Karapatang Sibil ng Environmental Protection Agency (EPA); Opisina ng Department of Homeland Security (DHS) para sa Mga Karapatang Sibil at Kalayaang Sibil; at Opisina ng Patas na Pabahay at Pantay na Oportunidad ng Kagawaran ng Housing and Urban Development (HUD) ay magkasamang muling pinagtibay ngayong araw ang kanilang ibinahaging pangako na itaguyod ang mga batas sa karapatang sibil at isulong ang hustisyang pangkapaligiran sa mga komunidad sa buong Estados Unidos.
Ngayon, bilang bahagi ng Pagpapasimuno sa Kaparaanan sa Wika ng Pagpapatupad ng Batas ng Departamento ng Hustisya, pinaghandaan ng Dibisyon sa Mga Karapatang Sibil ang isang makatotohanang pagpupulong kasama ang mga nakikipagsapalaran sa pagpapatupad ng batas upang talakayin ang kanilang mga pagsisikap na tugunan ang mga hadlang sa wika sa pagpupulis at pagtatayo ng mabisang mga programa sa kaparaanan sa wika.
Inihayag ngayon ng Justice Department na susubaybayan nito ang pagsunod sa mga pederal na batas sa mga karapatan sa pagboto sa Hawaii para sa Agosto 10 primary election (pangunahing halalan). Susubaybayan ng departamento ang Honolulu County at Maui County.
Inanunsyo ngayong araw ng Kagawaran ng Hustisya na naabot nito ang makasaysayang kasunduan sa County ng Los Angeles upang maresolba ang isinampa nitong kaso na nagsasabing nilabag ng county ang Batas sa mga Amerikanong may mga Kapansanan (Americans with Disabilities Act, ADA) sa pamamagitan ng pagkakait sa mga botanteng may mga kapansanan ng pantay na oportunidad na makibahagi sa mga programa, serbisyo at aktibidad nito ng pagboto noong nabigo ito sa pagpili at paggamit ng mga pasilidad sa mga lugar ng botohan na maa-access ng mga taong may mga kapansanan.
Ipinahayag ngayon ng Kagawaran ng Hustisya na pinaplano nitong subaybayan ang pagsunod sa mga pederal na batas sa karapatang bumoto sa 86 mga hurisdiksyon sa 27 mga estado para sa pangkalahatang halalan sa Nob. 5.
Naglabas ngayong araw na ito ang Justice Department ng Dear Colleague Letter tungkol sa pagpapataw at pagpapatupad ng mga multa at bayarin ng mga taong nasa hustong gulang at mga kabataan para sa mga state at local na korte at mga ahensya ng katarungang pangkabataan. Tinutukoy ng liham ang mga karaniwang multa at mga gawi sa bayarin na ipinapataw ng korte, at nag-babala laban sa mga gawaing iyon na maaaring labag sa batas, hindi makatarungan na nagpaparusa sa mga indibidwal na walang kakayahang makabayad o kung hindi man ay nagreresulta sa discrimination (pagtanging masama). Ibinibigay ng kagawaran ang liham na ito bilang bahagi ng patuloy na pangako nito sa pagkamatarungan, pang-ekonomiyang katarungan at paglaban sa mga patakarang nag-aambag ng di katimbang na pagkasangkot sa sistema ng katarungan ang mga komunidad na mababa ang kita.
Kahapon ay minarkahan ang ika-24 na anibersaryo ng Executive Order 13166, “Pagpapabuti ng Pag-abot sa Mga Serbisyo para sa Mga Taong may Limited English Proficiency.” Sa kaibuturan nito, kinikilala ng Order ang pangunahing prinsipyo na ang pederal na pamahalaan ay dapat na maunawaan at makipag-ugnayan sa lahat ng tao sa United States, kabilang ang mga may limited English proficiency (LEP), upang mapanatiling ligtas at maunlad ang ating bansa at mga komunidad.
Inanunsyo ngayon ng Departamento ng Hustisya na naabot nito ang isang kasunduan sa pagresolba sa Opisina ng Alameda County Sheriff (ACSO) sa California na nagresolba sa pagtatanong kung ang ACSO ay sumusunod sa mga obligasyon nito na walang diskriminasyon sa ilalim ng Title VI ng Civil Rights Act of 1964 (Title VI)