Ehekutibong Buod: Ulat ng Roundtable [talakayan] 2022 ng Magkakasamang Ahensya para sa Tulong Panligal
Pag-aabot sa Katarungan sa Pamamagitan ng Simplipikasyon: Isang Mapa para sa Simplipikasyong Nakasentro sa Mga Tao ng mga Porma, Proseso, at Wika ng Pamahalaang Pederal (Access to Justice through Simplification: A Roadmap for People-Centered Simplification of Federal Government Forms, Processes, and Language)
Tinatampok ng Ulat ng Roundtable 2022 ang mga estratehiya [balak na paraan] para gawing madali ang mga porma at proseso ng pamahalaan upang maabot ng mga Amerikano ang mga programa, serbisyo, at pakinabang na pederal na hindi nangangailan ng tulong panligal. Kadalasang nadidismaya ang mga tao sa paraan sa paghangad ng mga serbisyong pampamahalaan sa ilang kadahilanan: mga pormang mahaba, magulo, at paulit-ulit; nakalilitong patakaran at paraan; mga website na mahirap abutin; matagalang paghihintay sa customer service [paglingkod sa suki]; at di kinakailangang dami ng mga hinihinging papeles. Sa maraming pagkakataon, kinakailangan ang tulong panligal upang layagin ang komplikadong pamamaraang gamit ng mga ahensyang pederal. Hindi dapat kailanganin ng publiko, at kadalasan ay hindi nito kayang umasa or magbayad ng abogado upang maabot ang mga programa, serbisyo at pakinabang ng pamahalaan.
Tinutukoy sa ulat na ito ang tatlong-hakbang na mapa ng simplipikasyon, upang tulungan ang mga ahensya na palawakin ang pagaabot sa mga programa at serbisyo ng pamahalaang pederal:
- Unawain ang Problema. Dapat makipag-usap at makabuluhang makisali ang mga ahensya sa mga komunidad na pinaglilingkuran at naaapektohan ng mga programa ng pamahalaan, upang maunawaan ang mga hadlang sa pag-aabot.
- Tuparin ang mga Estratehiya. Dapat gamitin ng mga ahensya ang mga feedback [pagpuna] mula sa pakikipag-ugnayan nito upang mapasimple ang kanilang mga porma at proseso.
- Magtasa ng mga Kinalabasan. Dapat suriin ng mga ahensya ang epekto ng kanilang pagsisikap sa simplikasyon, kung napalawak nila nang makahulugan ang pag-aabot, o kung posible ang karagdagan pang pagpapabuti nito.
Tinatampok din ng ulat na ito kung papaano ginagamit ng mga ahensyang pederal ang mapa ng simplipikasyon upang gawing mas madaling abutin ang mga programa, serbisyo, at pakinabang. Sa partikular, ginagawang mas abot ng mga ahensyang kasapi sa Roundtable ang mga programa at serbisyo sa pamamagitan ng:
- pagpapasimple sa mga pormang pampamahalaan
- pakikipagsosyo sa mga programang pinangangasiwaan ng mga estado, lokal, at tribong pamahalaan upang gawing simple ang mga proseso
- pag-aalis ng mga hindi kinakailangang kinakailangan
- paggamit ng karaniwang salita
- pag-aalay ng impormasyon sa ibat-ibang wika
- pagtatag ng mga default options [panimulang pagpipilian] na pabor sa mga makikinabang
- pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng mga pinagkakatiwalaang samahan
- pagpapahintulot sa mga hindi abogado na tumulong, kung naangkop
- pagkakaloob ng impormasyon para sa sariling pagsasagawa na madaling mahanap at maunawaan
Sa katapusan, binabahagi ng ulat na ito ang mga inisyatiba sa hinaharap at mga pangako ng mga kasaping ahensya na palawakin ang pag-aabot sa mga programa at serbisyong pederal. Nagbabalak ang mga ahensya ng mga bagong paraan upang makisangkot at makipagugnayan sa mga tagapagbigay ng tulong panligal, mga samahang nagtataguyod, at mga komunidad na karaniwang kinakapos sa panustos at napapabayaan upang mas maunawaang mabuti ang problema at maliwanagan ang mga pagsisikap sa simplipikasyon. Nagtalaga din ang mga ahensya ng mga tanging pagpasimuno na magpapasimple sa mga proseso, magsusulong sa paggamit ng karanawing salita, magpapasimple sa mga pormang pampamahalaan, magpapalawak sa paggamit ng mga gamit-yamang pangtulong sa sarili, at higit pa.
Magpapatuloy ang Roundtable na pinuhin at pahusayin ang mga estratehiya sa pagpapasimple ng mga pormang pederal, wika, at proseso. Sa pamamagitan na mga pagsisikap na ito, pinauunlad natin ang ating sadya na palawakin ang pag-aabot sa mga pangako at proteksyon ng pamahalaang pederal.